TIKOM ang bibig ng Palasyo matapos mahuli ang kilalang spiritual adviser at malapit kay Pangulong Duterte na si Philippine mega church Kingdom of Christ (KJC) head Pastor Apollo Quiboloy sa Hawaii kung saan natagpuan ang $350,000 cash sa loob ng sinasakyang Cessna Citation Sovereign.
“Naku e wala naman kaming komento diyan dahil si Pastor naman po ay isang pribadong indibidwal at diumano e dahil meron siyang $350,000 e kaya naman niyang depensahan ang kanyang sarili pero siyempre po lahat ng Filipino na nagkakaroon ng problema sa kahit saan sa daigdig na ito e binibigyan din natin ng kahit anong proteksyon,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque.
Idinagdag ni Roque na naniniwala rin si Duterte na kayang idepensa ni Quiboloy ang kanyang sarili.
Sinabi pa ni Roque na hindi pa rin nakakausap ni Duterte si Quiboloy matapos ang insidente.
“Hindi po,” dagdag pa ni Roque.
Ayon sa ulat, Ikinulong si Quiboloy ng isang araw at bumalik ng Pilipinas matapos sumakay sa isang commercial flight. Nasa Hawaii umano siya para sa isang concert.
Naiwan naman ang pribadong eroplano sa Honolulu. Nagkakahalaga ito ng $15 milyon.
Pinapagamit ni Quiboloy kay Duterte ang kanyang mga pribadong eroplano.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.