SPD cop patay, kasama sugatan sa pag-atake sa motel sa Pasig City | Bandera

SPD cop patay, kasama sugatan sa pag-atake sa motel sa Pasig City

- February 16, 2018 - 04:08 PM

PATAY ang isang miyembro ng anti-illegal drugs unit ng Southern Police District matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa isang motel sa Pasig City kagabi.

Batay sa ulat na nakarating kay Eastern Police District director Chief Supt Reynaldo Biay, binaril si SPO2 Ernesto Sanchez, 53,  ng SPD drug enforcement unit sa loob ng Toyota Fortuner sa loob ng Country Lodge motel sa kahabaan ng Danny Floro st., Brgy. Oranbo ganap na alas-11:20 ng gabi.

Sugatan naman ang kasama ni Sanchez na si Josebel Polo, 20, isang estudyante at residente ng Brgy. Addition Hills, Mandaluyong City.

Base sa inisyal na imbestigasyon, nasa loob sina Sanchez at Polo ng sports utility vehicle nang biglang sumulpot ang mga sakay ng itim na Toyota Revo (XAY-567).

Idinagdag ng mga pulis na bumaba ang dalawang lalaki na armado ng M16 rifle at isang shotgun, at tinanggalan ng baril ang security guard ng motel.

Sinabi pa ng mga pulis na bumaba ang iba pang suspek at pinagbabaril ang mga biktima.

Nagtamo ang mga biktima ng iba’t ibang tama ng bala sa katawan.

Agad namang tumakas ang mga salarin sakay ng Revo.

Dead on the spot si Sanchez samantalang dinala naman si Polo sa Rizal Medical Center at nananatiling nasa kritikal na kondisyon.

Narekober mula sa pinangyarihan ng krimen ang 14 na basyo ng bala.

Sa isang panayam,  sinabi ni Senior Supt Yebra Jr., Pasig City Police chief  na inaalam na ang posibilidad na nagsasagawa ng operasyon ang dalawa nang sila ay atakin.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sinabi ni Yebra na isang police “asset” si Polo. 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending