EDSAyang 2: Di si FM | Bandera

EDSAyang 2: Di si FM

Lito Bautista - February 16, 2018 - 12:10 AM

PAGKAPAGLIHI ng nasa, ipinapanganak nito ang kasalanan; paglaki naman ng kasalanan, , nagdudulot ito ng kamatayan. Jaime 1:15, bahagi ng Unang Pagbasa sa Ebanghelyo (Jaime 1:12-18; Slm 94:12-13a, 14-15, 18-19; Mc 8:14-21) sa Martes sa ikaanim na linggo ng taon. Sa Pagninilay sa buwan ng mga puso(k), noon pa man, sa pangaral ni Apostol Jaime, ang kapusukan sa laman ay nauuwi sa kamatayan. Ngayon, AIDS, at dumarami araw-araw ang namamatay, nasayang na buhay.

Ramdam na ang pagkilos ng bayarang mga doktor para iligtas ang Sanofi sa pananagutan sa pagkamatay ng mga batang sapilitang binakunahan ng Dengvaxia. Pero, para sa mga abogado, tulad ng doktrina ng circumstantial evidence, ibinabase ang paggawad ng hatol sa “proximity to the cause” at “identical occurrence of the facts after death.” Ibinabatay ito sa eksamen na isinagawa ng medico legal.

Sa Bagsak, P8A, Barangay Bagong Silang, North Caloocan, nagimbal ang bansa nang pito katao ang pinatay sa loob lamang ng 10 minuto nang dahil sa shabu noong 2017. Ngayon, may shabu muli sa P8A. Walang ipinag-iba yan sa Bilibid ng Munti at Cebu. Kung ayaw ng bantay kontra shabu, walang shabu. Mismong mga itinalaga ng barangay ang konsintidor, kaya nga may shabu.

Nang dahil sa bulok na Saligang Batas ni Corazon Aquino, lalong sumigla’t lumawak ang political dynasties. Sa paglakas ng dynasties, hilahod sa hirap ang dukha sa Isabela (dalawin ang Santa Maria, Maconacon at Dinapigue, Isabela), Catanduanes, Romblon, Antique, atbp. Ilang probisyon sa human rights ay isinulat gamit ang panakot kay Marcos pero dedma lang ang pinatay ng Ikalawang Aquino sa SAF at mga inosenteng binakunahan ng Dengvaxia.

Ang sagot ng manunulat na si Johnny Tuvera, excutive secretary ni Marcos, ay hindi si FM ang utak sa pagpatay kay Ninoy. Tumango lang ang ilan sa naiwan sa editorial ng Evening Post dahil hatinggabi na. Pero, tila hindi kumbinsido ang lahat. Noon. Ngayon, di nga si Marcos ang utak. At kumbinsido na ang ilan sa buhay ngayon na noon ay nasa editorial dep’t.

Sa termino ng dalawang Aquino, kahit fake witness ay walang nailabas para ituro si Marcos bilang utak sa pagpatay kay Ninoy. Fake news na si FM ang utak, o si Imelda (imposible dahil maliit ang sirkulo ni Mam sa Palasyo). Nawala ang konek na FM-Ninoy. FM-martial law na lang, hanggang sa ilibing si Apo sa Taguig. Isa sa alab ng EDSA 1 ay ang Ninoy assassination, na ang utak ay ipinananatiling lihim, bagaman alam na kung sino.

Hihintayin pa ba ang 50 taon para ihayag ang utak? O kapag patay na ang utak ay saka lamang ibubunyag? Gayunpaman, magmumukhang Wow Mali ang EDSA. Marahil, malapit na ring magsalita si JPE. Baka magsalita si FVR (pero di pa ngayon) dahil ang sumundo at pumatay kay Ninoy ay PC.

Gawing legal ang jueteng? Ang ilegal ay di maaaring maging legal dahil ang legal ay ginawa ring ilegal. Ang jai-alai at karera sa Santa Ana at San Lazaro (susme, mga banal ito) ay legal pero mas malaki ang ilegal. Martial law na ni Marcos pero marami pa rin ang bookies (ilegal) ng jai-alai at karera. Noon, barya-barya ang ilegal. Ngayon, bilyones na. STL daw, jueteng din pala.

PAGBABAHAGI sa Nilayan (Nilay-ugnayan sa Ebanghelyo, Guiguinto, Bulacan): 18 ang dumalo. Lahat ay sumagot ng “Oo” sa tanong na kung sa kanyang pamilya ay may naghiwalay na mag-asawa, kasal man sa simbahan o live-in. Ang pinakamatipid ay apat ang alam na naghiwalay. Ang pinaka-unli ay 15. Nais mong makibahagi sa alam mong hiwalayan? Txt 0916-5401958.-o-o-
PANALANGIN: Santa Ana, tagapag-ingat ng mga binata’t dalaga, ipanalangin mo kami. Mula sa Pamimintuho kay Santa Ana (ina ni Santa Maria at lola ni Kristo), sa National Shrine of St. Anne, Poblacion, Hagonoy, Bulacan.

MULA sa bayan (0916-5401958): Iutos mo Digong ang imbestigasyon sa maanomalyang Buluan-Datu Paglas Road. 2 taon na ay di pa tapos. …8526

Sa batas-bitay, unahin ang mga kongresista na may kasong drugs, corruption at rape. …2409

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending