MGA trabahong lokal ang iaalok sa mga Pilipinong nagtatrabaho sa Middle East sa pinaplanong job fair ng Labor department sa Qatar at Kingdom of Saudi Arabia (KSA) ngayong taon.
Ang mga trabaho sa Pilipinas ang iaalok sa gagawing job fair.
Kabaliktaran ito dahil magsasagawa ng job fair sa Qatar at Saudi para sa mga bakanteng trabaho sa bansa.
Tinatayang may 18,000 lokal na trabaho ang maaaring ialok sa pinaplanong job fair, lahat ng ito ay kinakailangan sa mga kompanya ng dating senador at negosyante na si Manuel Villar.
Ngunit bago isagawa ang job fair ay magsasagawa muna ng profiling ng mga overseas workers sa Middle East. Karamihan sa bakanteng trabaho na iaalok ay para sa mga skilled workers
Maliban sa mga bakanteng ito, ang Education Department ay may 2,000 teaching positions.
Samantala, iniulat ng DOLE-National Reintegration Center for OFWs (NRCO) na may 1,000 dating overseas worker ang malapit nang magtrabaho bilang teacher sa pampublikong paaralan sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Sa ulat ng NRCO na kaaya-aya ang bilang ng returning OFW na magtratrabaho na sa pampublikong paa-ralan, simula nang ilunsad ang programang “Sa Pinas Ikaw ang Ma’am/Sir” (SPIMS) noong nakaraang taon.
May 846 dating OFWs ang sumailalim sa proseso para sa teaching position sa 749 paaralan sa buong bansa.
Ang SPIMS ay isang reintegration project ng DOLE at ng Department of Education, kasama ang Professional Regulation Commission, Commission on Higher Education, Technical Education Skills Development Authority, at Philippine Normal University.
Binibigyan ng SPIMS ng pagkakataon ang mga OFW na pumasa sa LET na makauwi ng Pilipinas at magtrabaho bilang guro.
May nais ba kayong isangguni sa Aksyon Line? Maaari kayong sumulat sa aming tanggapan Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola st. cor. Pasong Tirad st., Makati City o kaya ay mag-email sa [email protected] or jenniferbilog1977@ gmail.com.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapaglingkuran sa abot ng aming makakaya.
Ang inyo pong lingkod ay maaari rin mapakinggan sa Radyo Inquirer DZIQ 990AM sa Programang Let’s Talk; Mag-usap Tayo, tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes, alas-7 hanggang alas-8 ng gabi; at Isyu ng Bayan tuwing Linggo, alas-8 hanggang alas-10 ng umaga. Maaari rin po ninyo na matunghayan o mapanood sa pamamagitan ng live streaming www.ustream.tv/channel/dziq.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.