ANG tinatawag nating man’s best friend, eeksena na!
Kilala ang mga Pinoy sa pagiging pet lovers at karamihan nga sa pamilyang Filipino ay may aso, ang iba pa nga ay mahigit pa sa isa o dalawa ang inaalagaan. Wala silang pakialam kahit napakamahal pa ng ginagastos nila para lang mapasaya at mabigyan ng magandang buhay ang kanilang mga alaga.
Dahil Year of the Dog ngayong 2018, at bilang bahagi na rin ng selebrasyon ng Chinese New Year, narito ang ilang sa mga paborito n’yong local celebrities na kapamilya na ang turing sa kanilang mga doggie.
KATHRYN BERNARDO
SA sobrang pagmamahal sa kanyang pet dog, ginawan pa ng tinaguriang Queen of Hearts ng sariling Instagram account ang kanyang alaga.
Meet Snow, ang Bichon Frise na alaga ni Kathryn na nagsisilbing “alarm clock” niya sa tuwing meron siyang maagang trabaho. Alam n’yo bang nag-host pa noon ng pet party ang dalaga with her friends. Isa rin siyang proud member and active supporter ng CARA Welfare Philippines, isang organization na nagtuturo ng “proper care and welfare for pets.”
GERALD ANDERSON
HE’S more than a dog lover. Alam n’yo ba na sa sobrang pagmamahal ni Gerald sa mga aso, nagpatayo pa talaga siya ng ospital para mabigyan ng healthcare services ang mga ito, ang Anderson K9 sa Taguig.
Bukod dito, sa pamamagitan ng kanyang Gerald Anderson Foundation, nagte-train din sila ng mga aso “for search and rescue operations” kabilang na nga rito ang alaga niyang si Fredo. “From being pets, they will soon be superheroes, because they will help save lives,” pagmamalaki ni Ge.
SARAH GERONIMO
BATA pa lang ay talagang mahilig na sa dog ang Pop Princess kaya nga hindi na niya kabisado kung ilan na ang mga ito. Tatlo sa mga “baby” niya ay pinangalanan niyang Lady Tiny, Angel at Rio.
“Si Daddy (Delfin Geronimo) po talaga ang mahilig sa animal. Grabe nga, kasi noon aso lang, tapos nagkapusa rin kami, tapos may mga ibon na. Sabi ko nga, muntik nang maging zoo ang bahay namin,” natatawang chika ni Sarah.
Dagdag pa niya, “Parang si Cesar Millan si Daddy, the dog whisperer. May kakaibang connection siya sa mga aso. Kahit anong hayop napapaamo niya.”
LIZA SOBERANO
LOVE na love ng Kapamilya actress ang kanyang pet na si Mikey, isang Shih-Tzu. Velentine gift ito sa kanya ng ka-loveteam na si Enrique Gil.
“I love the dog to death. It’s a living thing, e. It’s different. I love him very much!” chika ni Liza na nagsabing si Mikey ang pinaka-favorite gift na ibinigay sa kanya ni Quen.
DANIEL MATSUNAGA
DAPAT tratuhin na isang kapamilya ang pet dog, payo ni Daniel. “We should treat them as brothers and sisters. They should be treated as humans, and we can save lots of dogs by doing that. So it starts with our own actions, and we should spread that to other people.”
HEART EVANGELISTA
ILANG asong gala na ang na-rescue ng Kapuso actress at binigyan ng maayos na tahanan. Sa katunayan, isa sa mga alaga ngayon ni Heart ay si Panda na isang “aspin” o asong Pinoy.
“So many lonely people out there…so many loving dogs waiting for …you,” ang caption ng Kapuso actress sa mga asong nare-rescue niya at ipinaaampon sa kanyang mga kaibigan.
ANGEL LOCSIN
MEET Pwet-Pwet, ang Bichon Frise na alaga ni Angel. Masunurin at mabilis turuan ang mga Bichon Frise ayon sa aktres kung maagang sisimulan ang pagtuturo sa kanila.
Ayon kay Angel, si Pwet-Pwet ang lagi niyang kasama kapag nalulungkot o nade-depress siya.
Naniniwala kasi siya na nararamdaman din ng aso ang feelings ng kanilang amo.
Sabi nga sa isang pag-aaral, “Dog owners who have been diagnosed with clinical depression aren’t likely to be as depressed as other people. Caring for a dog helps relieve symptoms of depression and encourages people to be more positive.”
LOVI POE
KAHIT na nakagat ng sarili niyang alaga, hindi pa rin nawala ang pagmamahal ni Lovi sa kanyang aso.
Kuwento nga ni Lovi, “Napikon yung isa kong dog, ia-attack niya si Senor but nagkataon tumalon sa akin yung dog, hindi niya alam ako yung nakagat niya, twice.”
Sey ni Lovi, hindi naman siya na-discourage na mag-alaga ng dog. Sa katunayan, lagi siyang excited umuwi dahil parang mga tao rin siyang sinasalubong ng mga ito.
“I have four dogs. Tatlong Shih Tzus, and one Maltese. Nakakawala ng pagod kapag nakita mo na sila.
They call it ‘the four-legged therapy.’
“Iba kasi talaga ang feeling kapag kasama ko sila sa bahay, pwede mo silang kausapin, ikuwento ang mga nangyari sa buong araw mo,” pahayag pa ni Lovi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.