Lalo pang humina ang peso laban sa dolyar at bumagsak ang presyo nito sa P52=$1 level. Bumaba sa P52.12 ang halaga ng piso ang pinakamababa sa nakaraang 11 taon. Nagbukas ang palitan sa P52.03=$1. Noong Martes ay nagsara ang palitan sa P51.98=$1. Noong Hulyo 21, 2006, ang palitan ay P52.16=$1. Ang paghina ng peso ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo at kuryente. Nangangahulugan din ito ng mas mahal na pagbili sa mga imported na bilihin.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending