Doktor nag-suicide | Bandera

Doktor nag-suicide

John Roson - February 13, 2018 - 06:35 PM
Natagpuang patay ang chief physician ng pampublikong ospital sa Baggao, Cagayan, matapos umanong mag-suicide sa kanyang bahay sa bayan ng Piat, iniulat ng pulisya Martes. Isinugod pa si Dr. Gary Oñate sa Nuestra Senora De Piat District Hospital dahil sa tama ng bala sa ulo, ngunit idineklarang patay ng mga doktor doon, ayon sa ulat ng Cagayan Valley regional police. Si Oñate, 45, ay chief physician ng Baggao District Hospital. Naganap ang insidente dakong alas-7:30 ng umaga Linggo, sa bahay ng mga Oñate sa Brgy. Poblacion. Sinabi sa pulisya ni Valerie Oñate, misis ni Gary, na nakarinig siya ng putok mula sa ikatlong palapag ng kanilang bahay at nang tuntunin ang pinanggalingan nito’y napansing naka-lock ang pinto ng banyo. Tinawag ni Valerie ang nakababatang kapatid ni Gary na si Miyel Angelo at nang puwersahan nilang buksan ang banyo’y natagpuang nakahandusay at duguan ang mister doon, ayon sa ulat. Narekober ng mga pulis sa pinangyarihan ang isang kalibre-.45 pistola na may magazine at apat na bala, pati na isang basyo, slug, at metal fragment. Di pa mabatid kung anong nagtulak sa doktor na magkitil.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending