Total deployment ban sa Kuwait ipinalabas na ng DOLE
PORMAL nang nagpalabas si Labor Secretary Silvestre Bello III ng administrative order na nagdedeklara ng total ban sa deployment ng mga Overseas Filipino Workers sa Kuwait matapos ang kautusan ni Pangulong Duterte.
Ito’y sa harap naman ng imbestigasyon kaugnay ng pagpatay sa pitong Pinay, kabilang na ang kaso si Joanna Demafelis, matapos matagpuan ang katawan sa loob ng freezer ng kanyang mga employer sa Gulf State.
“In pursuit of national interest and with of the series of reports involving abuse and death of overseas Filipino workers (OFWs) in Kuwait, a total ban on deployment of all OFWs to Kuwait pursuant to the directive of the President of the Philippines is hereby enforced,” sabi ni Bello.
Idinagdag ni Bello na agad ipapatupad ang total ban sa Kuwait.
Sinabi ni Bello na simula Enero 29, daan-daan nang mga Pinoy sa Kuwait ang pumupunta sa embassy para maiproseso ang kanilang pag-uwi sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.