Kausapin ang BF (2) | Bandera

Kausapin ang BF (2)

Joseph Greenfield - June 23, 2013 - 08:00 AM

Sulat mula kay Elvira ng Barangay Linangcob, Kidapawan City
Problema:
1.      Nagkaroon kami ng di pagkakaunawaan ng boyfriend ko at nagpasya kaming mag-cool-off muna kahit tutol ang loob ko sa pangyayaring iyon.  Pero, pumayag na rin ako dahil ito ang gusto ng boyfriend ko. Ang tanong ko lang po ay kung magkakabalikan pa ba kami dahil mahigit dalawang buwan na siyang hindi tumatawag at hindi man lang nagte-text  sa akin?
2. Pinalitan na kaya niya ako at meron na ba siyang bagong babae? Mahal na mahal ko kasi ang boyfriend kong ito sa dahilang may nangyari na sa amin.  Babalik pa kaya siya upang muling mabuo ang aming relasyon? May 1, 1990 ang birthday ko at January 2, 1988 naman ang birthday ng boyfriend ko.
Umaasa,
Elvira ng Barangay Linangcob, Kidapawan City
Solusyon/Analysis:
Astrology:
Ang zodiac sign mong Taurus (Illustration 2.) ang nagsasabing compatible kayo ng boyfriend mo na may zodiac sign na Capricorn, dahil ang Capricorn at Taurus ay may iisang elementong tinataglay – ang elementong lupa o earth.
Numerology:
Ang birth date mo na nagtataglay ng planetang Moon ay nagsasabi ding katugma at ka-compatible mo ang boyfriend mo, dahil ang taglay niyang planeta ay Sun.  Kung saan, ang pagsasama ng Sun at Moon ay sadyang magiging masagana at maligaya.
Luscher Color Test:
Upang mas madali kayong magkabalikan ng boyfriend mo mas makabubuting sa inyong pag-uusap lagi kang magsuot ng kulay na dilaw o kaya’y berde. Sa nasabing pagamit at pagsusuot ng kulay na dilaw at berde muling magiinit at magiging maligaya ang inyong relasyon.
Graphology:
Ang iyong lagda na may korteng puso ay nagsasabi namang malapit na malapit ka nang makapag-asawa, kung saan, matapos ninyong magkabalikan ng boyfriend mo sa taon ding ito sa buwan ng Disyembre o kaya’y sa unang quarter ng taon 2014 may isang simple pero masayang kasalang itatala sa inyong karanasan.
Huling payo at paalala:
Elvira ayon sa iyong kapalaran wala kang dapat na ipag-alala, dahil tulad ng nasabi na, sa susunod na mga araw, muli kayong magkakabalikan ng boyfriend mo, upang paglipas ng ilan pang mga buwan,  ipasya nyo ng magpakasal, upang bumuo ng isang masaya at panghabambuhay na pagmamahalan.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending