Umbok ng tiyan ni Ellen nakunan ng video; Lloydie luto nang luto
AKSIDENTENG nakita ang baby bump ni Ellen Adarna sa isang video na kanyang ipinost sa Instagram.
Mapapanood dito ang sexy star habang pinapanood si John Lloyd Cruz na naggi-grill ng chicken sa isang improvised oven. Sabi nga ng kanilang mga followers, wala raw ginawa ang aktor kundi ipagluto ang GF.
Sa isang bahagi ng video makikita si Ellen na may kargang aso habang kinakausap si Lloydie, sabi pa nito, “Our makeshift oven… what’s for dinner? What’s for dinner?”
Sa puntong ito, naibaba ng kumukuha ng video ang kanyang camera na nakatutok kay Ellen. Dito na nga nakita ang umbok ng tiyan ng sexy star. Ayon sa chika, limang buwan ng nagdadalang-tao ang dyowa ni Lloydie.
Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagbibigay ng official statement ang dalawa tungkol sa kanilang relasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.