Dagdag singil na P1.0779/kWh sa Meralco, hahati-hatiin | Bandera

Dagdag singil na P1.0779/kWh sa Meralco, hahati-hatiin

Leifbilly Begas - February 08, 2018 - 01:46 PM

IHANDA na ang bulsa sa panibagong dagdag gastos dahil magtataas ng singil sa kuryente ang Manila Electric Company. Ayon kay Joe Zaldarriaga, spokesman ng Meralco, nagkakahalaga ng P1.0779 kada kWh ang dapat na pagtaas ngayong Pebrero. Pero hindi umano ipatutupad ng Meralco ang kabuuang pagtaas na ito. Naghahanap umano sila ng opsyon para utay-utayin ang pagtataas. “Amin pong isinasaalang-alang ang kapakanan ng kostumer ng Meralco…. We recognize the fact that because of circumstances that consumers are now in, tumataas ang bilihin, nababalitaan naman natin yung mga upward adjustment din ng ibang basic products and services minabuti po namin na hindi ii-implement ngayong February itong full impact ng P1.08/kWh,” ani Zaldarriaga. Hindi pa naman masabi ni Zaldarriaga kung magkano ang kanilang ipatutupad na dagdag singil at pinag-aaralan pa umano ito ng Meralco. “We still have no numbers as to what we will actually implement pero definitely hindi yung kabuuang ng P1.08,” dagdag pa nito. Kung ipatutupad ng buo, ang ginagamit ng 200 kWh kada buwan ay may dagdag na P216 sa kanyang bill. Kung 300 kWh ang ginagamit ito ay P323; kung 400 kWh ay P431 at kung 500 kWh ay P539. Isa sa nagpataas ng presyo ng kuryente ang dagdag buwis dahil sa pagpapatupad ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion. Tumaas din ang generation charge o ang gastos sa paggawa ng kuryente.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending