Dapat ay ‘magsampol’ na sa Bilibid | Bandera

Dapat ay ‘magsampol’ na sa Bilibid

Ramon Tulfo - February 08, 2018 - 12:10 AM

MAHIGIT na 100 miyembro ng Special Action Force (SAF) ang idinagdag sa New Bilibid Prisons (NBP) dahil sa mga ulat na kumakalat na naman ang droga sa national penitentiary.

Ang SAF ang commando unit ng Philippine National Police o PNP.

Pero kahit na gawin pang 5,000 SAF ang ideploy sa “Munti” di pa rin titigil ang pagkalat at panggagalingan ng droga sa loob kung hindi “magsampol” ang mga awtoridad sa mga drug lords na nakakulong doon.

Malaki kasi ang tukso para sa mga pulis—tandaan natin na ang SAF ay mga pulis—na nagbabantay sa NBP.

Ang bayad sa pagpasok ng isang boteng alak sa NBP ay nagkakahalaga ng libu-libo na; ano pa kaya ang droga?

Maraming balita na nakakarating sa inyong lingkod na “tainted” o nadungisan na ng pera ang mga dating miyembro ng SAF sa Bilibid.

Hindi mawawala ang droga sa loob kapag walang sina-salvage na mga drug lords o mga “mayor” o kapatas ng mga preso sa NBP.

Kapag walang sina-salvage na ilan sa mga guards o empleyado ng NBP na siyang nagpapasok ng kontrabando, di titigil ang pagkalat ng droga sa Bilibid.

Sayang lang ang laway ni PNP Chief Ronald “Bato” dela Rosa na palagi na lang warning ng warning pero hindi binabak-apan ng “gawa” ang kanyang babala.

***

Gaya na lang ng pagdalaw ni Bato sa convicted trafficker na si Yu Yuk Lai sa Correctional Institution for Women (CIW), ang piitan ng mga nasentensiyahan na mga babae.

Nang lumabas siya sa CIW, tinanong si Bato ng mga reporters kung ano ang pinag-usapan nila ni Yu Yuk Lai.

Sinabi niya sa bilanggo na itigil na ang pagpapakalat ng droga sa labas ng CIW dahil malapit na siyang mag-takeover bilang director ng Bureau of Corrections.

Sinabi raw sa kanya ni Yu Yuk Lai na patayin daw siya kapag napatunayan na siya ay nagta-traffic ng drugs.

May reports ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na active si Yu Yuk Lai sa drug trafficking kahit na siya’y nasa loob ng CIW.

Dapat sinabi ni Bato kay Yu Yuk Lai na gagawin niya na ang pinagagawa sa kanya ng babaeng drug lord kapag may balita pa na siya’y nagta-traffic pa rin ng droga.

Noong nakaraang November, nasamsam ng mga PDEA agents ang droga na nagkakahalaga ng P5 milyon sa loob ng selda ni Yu Yuk Lai.

Dapat ay sinalvage din ang superintendent ng CIW ng panahon na natagpuan ang droga sa loob ng selda ni Yu Yuk Lai.

Hindi makakapasok ang droga sa loob kung walang go-signal na galing sa superintendent.

***

Ang mga pulis daw ng Caloocan City ang No. 1 na pinagkakatiwalaan ng taumbayan sa Metro Manila, ayon sa National Police Commission (Napolcom).

Sus, di kapani-paniwala ang ulat na yan ng Napolcom!

Paanong mapagkakatiwalaan ang Caloocan City police station samantalang ang mga miyembro nito ang pumatay sa mga teenagers na sina Kian delos Santos, Reynaldo de Guzman at Carl Angelo Arnaiz?

Tanga ang Napolcom na nagbigay ng ulat.

Baka nalagyan ang mga miyembro ng Napolcom na nagsagawa ng survey.

Sa aking libro, isa sa pinaka-corrupt na ahensiya ng gobyerno dahil marami sa mga opisyal at empleyado dito ay nalalagyan ay ang Napolcom.

Karamihan sa mga kasong administratibo na isinampa ng aking public service program na Isumbong mo kay Tulfo sa Napolcom ay ibinasura.

Ang mga kaso ay para sa mga nagreklamo sa amin na inapi ng mga pulis.

Ang mangilan-ngilan na pulis na pinarusahan dahil sa “Isumbong” ay nakabalik din matapos daw maglagay sa Napolcom.

Ganoon kabulok ang ahensiyang ito.

***

Ang chairperson ng bids and awards committee ng San Jose del Monte, Bulacan na si Orpha Velasquez, 50, ay napatay nang pagbabarilin ng ilang kalalakihan na sakay ng isang kotse at motorsiklo.

Work-related o may kaugnayan sa kanyang trabaho ang motibo ng pagpatay kay Velasquez, sabi ng hepe ng pulisya sa San Jose del Monte na si Supt. Fritz Macariola.

Sumasang-ayon ang inyong lingkod kay Macariola.

Baka nagka-onsehan sa bayaran sa bids ang awards committee o BAC.
Malaking pera ang tinatanggap ng BAC sa mga sumasali sa public bidding ng isang proyekto. Ito’y tinatawag na “SOP.”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sana’y magsilbing aral sa mga miyembro ng BAC sa ano mang ahensiya ng gobyerno ang nangyari kay Velasquez.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending