ABS-CBN haring-hari sa unang pasabog ng 2018
ABS-CBN pa rin ang pinakapinanood na TV network noong Enero na naghatid ng makabuluhang balita at mga aral sa mas maraming Pilipino sa pagbubukas ng taon, kaya naman nagtala ito ng average audience share na 46%, ayon sa datos ng Kantar Media.
Mas pinanood sa parehong urban at rural homes ang ABS-CBN sa bawat bahagi ng bansa, partikular na sa Metro Manila, kung saan nakakuha ito ng average audience share na 42%. Inabangan din ang Kapamilya network sa Total Luzon, kung saan nagkamit ito ng 43%; sa Total Visayas, na may 55%; at sa Total Mindanao, na may 51%.
Panalo pa rin sa puso ng masa ang FPJ’s Ang Probinsyano (39.9%) ni Coco Martin, na sinudan naman ng nakabibilib na world-class talents ng mga Pinoy sa Pilipinas Got Talent (38.1%).
Nananatili naman ang pamamayagpag ng TV Patrol (32.6%) bilang pinakapinanood na newscast sa bansa, habang bumida rin sa mga kabahayan ang nakaaantig na kwento ng letter senders ng Maalaala Mo Kaya (31.2%) hosted by Charo Santos.
Samantala, patok din ang mainit na sagupaan ng mga lobo at bampira gabi-gabi sa La Luna Sangre (30.5%) na pinagbibidahan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.
Pumatok din ang tambalang ElNella na bumida kamakailan sa Wansapanataym (29.6%), pati na rin ang maiinit na rebelasyon sa Wildflower (23.3%) na patuloy inaaabangan sa primetime sa nalalapit nitong pagtatapos.
Kasama rin sa top 10 ang comedy program na Home Sweetie Home (23.2%) at ang Rated K (22.2%) ni Korina Sanchez.
Samantala, nanguna rin ang ABS-CBN sa lahat ng timeblocks noong Enero, partikular na sa primetime block (6 p.m.to 12 midnight), kung saan nagkamit ito ng average audience share na 50%.
Inabangan din ang ABS-CBN sa morning block (6 a.m. to 12 noon) sa pagtala nito ng 41%; sa noontime block (12 noon to 3 p.m.) sa pagrehistro nito ng 47%; at sa afternoon block (3 p.m. to 6 p.m.), sa pagkamit nito ng 43%.
Noong 2017, buong taong nanguna sa national TV ratings ang Kapamilya network matapos itong magkamit ng average audience share na 46%.
q q q
Damang dama agad ng Pilipinas Got Talent ang init ng pag-ibig ng viewers dahil sa unang Linggo (Feb. 4) ng Pebrero ay pumalo agad world class talent search sa bago nitong all-time high national TV rating na 43.3, ayon sa Kantar Media.
Patuloy na tinatangkilik ng bayan ang Kapamilya show dahil sa patuloy nitong pagbida sa talento at galing ng Pilipino mula sa iba’t ibang panig ng bansa.
Tulad na lang nang ipinakitang galing ng Nocturnal Dance Company noong Sabado na talaga namang nakapagpabilib sa judge na si Robin Padilla sapat para ibigay niya sa grupo ang kanyang Golden Buzzer.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.