P61.6M smuggled luxury vehicles sinira sa harap ni Du30
TINATAYANG 20 smuggled luxury vehicles na nagkakahalaga ng P61.6 milyon ang sinira sa harap ni Pangulong Duterte matapos naman siyang dumalo sa ika-116 anibersaryo ng Bureau of Customs (BOC).
Kabilang sa mga sinira ay Lexus, BMW, Mercedes Benz, Audi, Jaguar, at Corvette Stingray.
Ayon sa BOC, bukod sa pagsira sa 20 luxury vehicles, 10 smuggled luxury vehicles din ang sinira sa Port of Davao at Port of Cebu.
Pinangunahan ni Duterte anibersaryo ng BOC matapos na masangkot ito sa kontrobersiya kung saan nakapasok ang P6.4 bilyong shabu sa bansa matapos makalusot sa Customs.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.