Cover up sa Dengvaxia probe, amoy bilasa | Bandera

Cover up sa Dengvaxia probe, amoy bilasa

Jake Maderazo - February 05, 2018 - 12:15 AM

MARAMING kwestyon ang umiiral ngayon sa pamamahala ng Department of Health tungkol sa imbestigasyon ng P3.55 bilyon Dengvaxia vaccine program ng nakaraang Aquino administration.
Nakita ng tao sa Senate probe ang “pagmamadali” sa kontrata ng bakuna mula December 2015 o limang buwan bago mag-eleksyon.
Inilunsad ni dating Health Sec. Janet Garin noong April 4, 2016, kahit Marso ay sinabi ng World Health Organization, na delikado ang bakuna sa mga “seronegative” o first vaccination, at pag-aralan pa nang husto ang tatlong turok na Dengvaxia vaccine.
Pero, tinuloy pa rin ni Garin kahit walang sistema para ihiwalay, kilalanin ang mga seronegative o first vaccination sa 489,003 pupils sa National Capital Regiom, Calabarzon at Central Luzon.
Nang pumasok ang Duterte administration at naging si Paulyn Ubial na ang DOH secretary noong July 2017, sinuspinde muna ang pagbakuna. Pero bandang Setyembre, itinuloy rin ni Ubial ang pagbakuna, hanggang umabot na sa 800,000 ang mga batang nabakunahan.
Ito’y kahit sinasabi ng mga pag-aaral sa London at Singapore noon na may panganib pa ang Dengva-xia. Bakit kaya bumigay noon si Ubial?
Confirmation o kasabwat?
Ngayon, mahigpit si Health Sec. Duque, pinag-refund pa ang Sanofi sa natitirang bakuna. Naglabas rin ng report ang UP-PGH expert panel na nagsabing sa 14 cases na siniyasat, merong dalawa na posibleng “vaccine fai-lure” pero kailangan pa raw ng “otopsiya” para masiguro.
Lumabas din ang petisyon ng 100 doctors, academicians, health advocates at scientists na humihiling sa DOJ na itigil na ang pag-otopsiya sa mga batang namatay sa dengue.
Nawawala na raw ang kumpyansa ng publiko sa “vaccination program” ng gobyerno. Ipinagtanggol din ang dating DOH officials at sinabing wala raw “perfect vaccine”. Wala raw problema ang “long term effect” ng Dengvaxia kayat dapat ibalik sa mercado para naman sa mga nauna nang nabakunahan.
Wow! Hindi ko alam kung Sanofi Pasteur ang nagpapirma nito o ang grupo ni Garin, pero mukhang “hard sell” ito sa akin.
Ang isyu rito ay ang mga libu-libong “serone-gative” na mga pupils na hindi pa nagkaka-dengue pero binakunahan. Nag-massive vaccination ang DOH nang walang kumpletong record kung sino ang seronegative?
Ginawa ba nina Garin at ng mga taga-DOH ang papel nila para may sapat na “data” ang Dengvaxia recipients? May listahan na ba? Mag-eeleksyon na kasi o nagmamadali sila sa laki ng project na P3.55 bil-yon?
Sa totoo lang, hindi pa natin alam ngayon kung ilang mga bata riyan ang titimbuwang bukas sa “severe dengue” na ibinabala ng Sanofi Pasteur at ng WHO.
Kinumpirma ng grupo ng PAO at mga volunteer doctors na ang Dengvaxia ang nagpalubha sa dengue ng mga namatay na batang “seronegative”. Noong July 2016, sinabi ng WHO na ang Dengvaxia ay nagsisilbing “silent natural infection” na nagpapalubha sa mga first timer na nagka-dengue.
Sa aking pananaw, eto na ang malaking “cover-up” para malinis ang perwisyo nitong Dengvaxia. Nariyan pa rin sa DOH ang mga opisyal na nag-apruba ng bakuna.
Pati DOJ na nag-iimbestiga sa mga kapalpakan ng iilang doctor ay gusto pang ipatigil. At ang pananaw na walang perpektong bakuna sa akin ay isang walang pusong komentaryo sa mga buhay ng mga batang biktima ng kasakiman nitong sina Garin at iba pa.
Hindi kailanman maniniwala ang mga tao sa kasinungalingan ninyo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending