Lasing nahulog sa bus, nabasag ang bungo | Bandera

Lasing nahulog sa bus, nabasag ang bungo

- February 04, 2018 - 09:02 PM

DEAD on the spot ang lasing na lalaki matapos mahulog sa sinasakyang bus sa Parañaque, kaninang umaga.

Ayon sa ulat, humampas ang ulo ni Ramil Legaspi, 42, sa concrete island ng kalsada matapos mawalan ng balanse dahil sa mabilis na pagmamaneho ng driver habang pababa ito.

Natagpuan ng mga saksi ang katawan ni Legaspi sa harap ng isang sikat na lechon shop isang bloke mula sa Redemptorist Church sa Baclaran sa Roxas Boulevard, alas-2 ng umaga.

Dinala ang kanyang katawan sa Peoples Funeral Service sa Las Piñas para ma-autopsy, ayon kay Senior Insp. Jerry Sunga, chief investigator ng Parañaque City police station.

Sinabi ni Sunga na base sa ulat ng Scene of the Crime Operatives (Soco), sumakay si Legaspi matapos mag-party mula sa Cavite papuntang Baclaran.

Ayon sa mga saksi, pababa na si Legaspi sa bus nang biglang magpatakbo ng matulin ang driver.

Hindi naman nakuha ang plate number ng bus.

Sinabi ni Sunga na kinumpirma ng mga kaibigan ni Legaspi na galing ito sa party sa Cavite at pinayuhan na magpalipas muna ng oras dahil sa sobrang kalasi-ngan.

“We are veering away from reports that he was thrown off from the speeding bus,” ayon pa kay Sunga.

Pinaghahanap na ang bus at driver ng bus.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending