Robin never ginamit si Duterte para makaiskor ng tulong | Bandera

Robin never ginamit si Duterte para makaiskor ng tulong

Cristy Fermin - February 03, 2018 - 12:20 AM

RODRIGO DUTERTE AT ROBIN PADILLA

MABUTI naman at nilinaw na mabuti ni Robin Padilla na wala siyang kinalaman sa paglaya ng kanyang pamangking si Mark Anthony Fernandez.

May mga nag-iisip kasing nilakad ng action star ang paglaya ng kanyang pamangkin sa pinsang-buo na si Rudy Fernandez dahil malakas ang kapit niya kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Saludo nga si Binoe kay Mark dahil ni minsan daw ay hindi ito humiling ng tulong sa kanya para maaga itong makalaya nang masangkot sa usapin ng marijuana.

Minsan niyang dinalaw si Mark Anthony sa piitan, pero hindi raw nila natutukan sa kanilang pagkukumustahan ang ilapit niya ito sa pangulo, wala raw sinabi sa kanya si Mark.

Na mukhang kapani-paniwala naman dahil kung pagiging malapit lang sa pangulo ang pag-uusapan at kung lumalapit nga siya kay Ka Digong, di sana’y nakaalis na siya nu’n papuntang Amerika para dalawin ang nanganak niyang misis, absolute pardon na ang hawak niyang dokumento nu’n.

Pero wala ring nangyari, nabigo pa rin siyang makapasok sa teritoryo ng Amerika, samantalang puwede niya namang pinakiusapan nu’n si Pangulong Duterte na pairalin ang kapangyarihan nito sa Embahada ng Amerika.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending