Janella takot na takot magpaospital, nagka-viral infection
HINDI dengue ang dumale kay Janella Salvador kungdi respiratory tract infection. Inilabas niya ang findings ng doctor sa kanyang Twitter pic nang finally ay pumayag na siyang pumunta sa ospital.
Tulad nang nasulat namin dito, inapoy ng lagnat si Janella matapos ang unang araw ng taping para sa isang weekly drama. Hindi makabangon, hindi makapagsalita at mahinang-mahina ang katawan.
Nagpatawag sila ng doctor sa bahay kasama ang isang med tech upang kunan ng laboratory tests dahil mababa ang bilang ng platelets niya.
Finally, pinaabot ni Janella sa kanyang followers at mga kaibigan ang karamdaman niya sa Twitter.
“I’ve been feeling sick the past few days and I thought I just caught flu (all the symptoms were there: cough, colds, body pain, fever.
“Thursday morning I woke up with a temperature of 39c, I had rashes everywhere, and I literally couldn’t get up. Everything hurt.
“Thank GOD for the people around me & for the doctors that came over cause I wasn’t strong enough to go to the hospital. They took blood tests from me yesterday and today monitor my platelet count and unfortunately, it decreased below average today.
“BUT I finally went to the hospital today (super ready to get confined for the first time and I was so scared. omg) but then thank God (again!) cause the dengue came out negative!!! I do have a viral infection though,” tweet ni Janella.
Nakasaad sa medical certificate ng doctor na hindi puwedeng magtrabaho hanggang Jan. 27 si Janella.
Ay, nakasilip ng tuwa ang fans niya dahil ngayong araw na ito, Jan. 28, ang schedule ng mall show ng “My Fairy Tail Love Story” sa Farmer’s Plaza kasama sina Elmo Magalona at Kiko Estrada.
Hopia ang ElNella fans na makaka-saglit ang young actress sa mall show para lubus-lubos ang ligayang maramdaman nila kapag nakita silang magkasama ni Elmo together, huh!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.