Mocha asar-talo kina Enchong at Ethel Booba
FINALLY, tinapos na rin ng ABS-CBN ang Ikaw Lang Ang Iibigin dahil sa totoo lang, matagal na kaming naumay sa paulit-ulit na twists and turns sa kuwento nito.
Si kontrabida, gagawin ang lahat para magmukhang super mean at pahihirapan talaga ang mga bida. Si bida naman pahihirapan ay aapihin sa unang bahagi ng teleserye at babangon at maghihiganti sa ending. Paulit-ulit na lang, di ba?
Gusto rin naming matapos na ang mga seryeng paulit-ulit na rin ang mga dialogue gaya ng, “Isinusumpa ko, ipaghihiganti ko at bibigyan ng katarungan ang nangyari sa ‘yo!” O, di kaya’y ang mga eksenang tutukan ng baril, bantaan nang bantaan at patayan nang patayan. At siyempre, mawawala ba ang mga kidnapan at ang pagkakaroon ng amnesia?
Sakit na talaga iyan ng mga nasa creative o mismong mga writers na pinipilit ng mga production units na i-extend pa ang kuweto at hanapan pa ng ibang anggulo ang tema nito para patagalin pa sa ere.
Now, magtataka pa ba tayo kung bakit ang mga isyu sa lipunan eh, paulit-ulit ding ginagamit na tema sa mga serye, lalo na ang mga hearing na paiba-iba lang ng isyu pero wala namang napaparusahan pagkatapos imbestiganan?
q q q
Kaya nga hindi na rin kami nagtaka kung nailipat ni Mocha Uson sa Naga ang Mayon Volcano mula sa Legazpi.
Then after the correction, nagpaka-generic ang leader ng Mocha Girls sa pagsasabing sa Bicol matatagpuan ang Bulkang Mayon – for her to be safe.
Newsmaker na kung sa newsmaker itong style ni Mocha dahil talaga namang kinukuyog siya ng madlang pipol pero ipinagtatanggol din naman ng kanyang mga ka-DDS.
Tulad na lang ni Enchong Dee na nag-tweet ng, “Makauwi nga sa probinsya ko…balita ko may bago kaming bulkan #NagaCity!” Hindi ito pinalagpas ng Mocha Girls.
Sagot nila sa aktor, “Ano ang tawag mo sa lalaking nangbubully ng babae? BAKLA o SUPOT?
“Ganito po kasi ang nangyari, nagkamali si ate Mocha sa FB Live niya na sinabi niya na ang mayon volcano ay nasa naga, humingi na sya ng sorry sa pagkakamali nya pero ang mga bashers binully pa rin sya kasama na dyan si Enchong. Kaya yan po ang tanong namin.”
Ayon naman kay Ethel Booba, “Sa sobrang gulo ng Pilipinas yung mga lupain natin naglilipatan na. Spratlys lumipat na sa China sunod yung Bulkang Mayon pumunta na sa Naga. Charot!”
q q q
But definitely, hindi naman naligaw ng landas si Xian Lim when he signed up for Viva Artist Management.
Early this year pa namin alam na lilipat sa Viva ang hunk actor kaya lang ay pinakiusapan kami not to write about it dahil inaayos pa nga ng aktor ang kanyang marespetong pamamaalam sa Star Magic.
Basta ang sinabi ng aming mga ka-Chismackers, gusto ni Xian na ma-explore ang kanyang pagiging musician at nais niyang magkaroon ng mga concert kasama ang mga gaya nina Sarah Geronimo at iba pang sikat na Viva artists.
At dahil dream nga raw ni Xian na makapareha rin ang iba pang artists outside of ABS-CBN, safe niya itong magagawa kapag nasa Viva na siya.
And yes, did we already mention na mas nagiging open daw si Xian pagdating sa ilang personal na detalye sa kanyang buhay sa mga taga-Viva kumpara sa dati niyang mga boss sa Star Magic?
q q q
Ang sa palagay naming sobrang “naliligaw” sa buhay at tila naiwanan na ng panahon ay si Kris Aquino.
E, kasi nga sa paulit-ulti nitong pagkuda tungkol sa kanyang lovelife, eh, feeling yata niya ay 16 years old pa rin siya at kanasa-nasa pa rin to the high heavens.
Nakakaloka lang ang mga kuwento ng on and off romance niya kay Mayor Herbert Bautista na niluma na ng panahon pero pilit pa ring ibinabalik ni Kris na parang flashback sa isang pelikula.
Naku, kung hindi ko pa alam! Ha-hahaha! Hay naku, huwag ako. don’t me! Ha-hahahaha! Ang punto ko lang, umakto nang tama sa edad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.