DU30 target ng ISIS sa India?  | Bandera

DU30 target ng ISIS sa India? 

- January 26, 2018 - 02:02 PM

TINIYAK ng Palasyo na sapat ang seguridad na ipinapatupad para kay Pangulong Duterte matapos naman ang umano’y intelligence report na target siya ng mga Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) sa India matapos ang kanyang pagbisita sa naturang bansa.

“Security arrangements by both PSG  (Presidential Security Group) and Indian police are in place. We will all be there for and with him,” sabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na kasama ng Pangulo sa kanyang biyahe sa India.

Ito’y matapos ang ulat na nagdulot ng security nightmare para sa sa India ang presensiya ni Duterte sa harap naman ng inteligence report na hinahating siya ng ISIS matapos naman ang naging operasyon ng gobyerno sa Marawi City.

Ayon pa sa ulat, planong gumanti ng ISIS kay Duterte dahil sa pagkakapatay kay Isnilon Hapilon, ang lider ng  Abu Sayyaf at itinuturing  emir ng  IS Southeast Asia.

Matatandaang umabot ng mahigit limang buwan ang operasyon ng militar sa Marawi matapos naman ang paglusob ng mga miyembro ng Maute at ng Abu Sayyaf, dahilan para magdeklara si Duterte ng martial law sa buong Mindanao.

Pinalawig pa ni Duterte ang batas militar hanggang Disyembre 31, 2018 sa harap ng patuloy na banta ng mga terorista.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending