Horoscope, January 26, 2018 | Bandera

Horoscope, January 26, 2018

Madam Sophia - January 26, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito, tandaan mo, hindi ka mabibigo kung sapat ang pagnanasa mong magtagumpay. Nasa harapan mo ang tagumpay, kukuhanin mo na lang. Kumilos ka na ngayon. Sa pag-ibig, wag pag-alinlanganan ang pag-ibig ng kasuyong matagal ng nagtitiis sa iyo. Mapalad ang 3, 18, 27, 36, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Babanam-Ke-Balam.” Blue at red ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19)— Sa pinansiyal, tuloy-tuloy ang pag-angat ng kabuhayan basta lagi ka lang magsuot ng kulay na pula. Sa pag-ibig, habang patuloy na lumalamig ang panahon kusa kang maaakit sa isang nilalang na naka-pink. Mapalad ang 6, 15, 24, 30, 38, at 49. Mahiwaga mong mantra: “Govinda-Krisna-Govinda.” Red at orange ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20)—Magkahalaong lungkot at saya ang mararanasan. Sa salapi, kung kailan papaubos na ang hawak na pera ay biglang may darating na malaking halaga. Sa pag-ibig, ang tampuhan at hindi pagkakaunawaan noong nagdaang mga araw ay mapapalitan ng palihim pero masarap na romansahan ngayon. Manatiling kampante at wag nang makipagtalo pa. Tandaan na ang lahat naman ng problema ay kusang ring lumilipas. Mapalad ang 5, 14, 23, 32, 42, at 45. Mahiga mong mantra: “Abra-Ka-Dabra.” Red at blue ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21)—Kung hindi naging maganda ang pasok ng pera nitong Enero, umasa kang pagpasok ng Pebrero ay mabilis uling darami ang salapi. Sa pag-ibig, basta sinunod mo ang puso sa halip na isip isang romantiko at masarap na relasyon ang mabubuo. Mapalad ang 4, 10, 28, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Garuda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22)— Hindi darating ang suwerte kung puro ka hintay lang nang hintay. Damihan ang pagkilos na may kaugnayan sa pagkakaperahan. Ang langit ang magpapayaman sa iyo. Sa pag-ibig, sa sandaling pinanaig ang emosyon muli na namang makakaalitan ang kasuyo. Mapalad ang 1, 14, 23, 32, 39 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Sator-Arepo-Tenet-Opera.” Silver t green ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22)— Sikat ka na naman sa araw na ito at kasabay ng mga pagkilala may materyal na bagay kang matatanggap. Sa pag-ibig, isang Aries ang magpapaligaya pang lalo sa iyong damdamin. Mapalad ang 1, 7, 18, 25, 28, 43. Mahiwaga mong mantra: Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisna-Krisna-Krisna.” Yellow at orange ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22)— Lagyan ng landi ang papalapit na Valentine’s Day, bigyan ng isang kumpol ng rosas ang kasuyong Taurus. Bukod sa isang Taurus ay may isang Libra na sadya ring mapapalapit sa iyong kalooban. Sa pinansyal, ngayon pa lang mag ipon na ng maraming budget para sa nalalapit na buwan ng Pebreo. Mapalad ang 3, 18, 27, 33, 39, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Bhagava-Gita-Gita-Bhagava.” Blue at green ang buenas.

Libra – (September 23-October 23)—Disiplinahin ang sarili lalo na sa pagkain. Iwasang kumain ng nakasasama sa kalusugan. Alalahanin mong ang kalusugan ay napakahalagang yaman. Sa pag-ibig at salapi, kasaganaan at maligayang relasyon ang hatid ng isang Aquarius. Mapalad ang 9, 12, 15, 24, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Durate-Rebus.” Lilac at pink ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21)—Walang problema na hindi mo kayang solusyuna. Matapos mong masolusyunan ang mga problema, malaking halaga ng salapi ang mahahawakan. Sa pag-ibig, kahit na kumokontra ay mapapasunod mo na naman sa gusto mo ang iyong kasuyo. Mapalad ang 6, 9, 21, 29, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Atharva-Abrahma-Om.” Red at green ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21)—Sa pag-ibig, anuman ang iutos mo sa iyong kasyo ay susunod siya lalo na at naipaliwanag mong ito ay para sa ikauunlad ng inyong kabuhayan. Sa pinansyal, isa-isang negosyo lang ang dapat ipatupad sa bawat taon upang hindi magulo ang iyong konsentrasyon. Mapalad ang 1, 17, 28, 33, 44 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Nakiel-Om-Hagiel.” Purple at lilac ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19)—Panahon na upang mag-ipon ng maraming pera sapagkat ang salapi ay lubhang makapangyarihan. Tandaan na kapag marami kang pera, magdudulot ito ng ligaya sa iyong sarili at sa buong pamilya. Mapalad ang 5, 16, 25, 32, 38 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Mira-Miraculum.” Red at black ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18)—Wag mong sayangin ang mga tapat mong kaibigan na tumutulong sa iyo. Kapag nawala sila, sino pa ang iyong maasahan? Ituloy ang pakikipagkaibigan sa mga mabubuti mong kaibigan habang dispatsahin mo na ang mga kaibigang wala namang naitutulong sa iyo. Mapalad ang 1, 7, 19, 28, 39, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-We.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) —Ingatan ang natitirang salapi! Kapag naubos ‘yan, mahirap maghanap ng mauutangan. Kaya nga wag kang gastos nang gastos nang walang kabuluhan. Sa pag-ibig, paminsan-minsan dapat mo ring sundin ang suhestiyon ng minamahal. Mapalad ang 6, 10, 29, 34, 40 at 47. Mahiwaga mong mantra: “Om-Minna-Om-Galla-Om.” Apple green at white ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending