Mocha Girls inupakan si Enchong Dee | Bandera

Mocha Girls inupakan si Enchong Dee

- January 25, 2018 - 07:32 PM
KAHIT humingi na ng paumanhin si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Assistant Secretary Mocha Uson sa naging pagkakamali niya sa lokasyon ng Mayon Volcano, patuloy pa rin siyang bina-bash ng mga netizen. Sa halip kasi na sabihing nasa Albay ang Bulkang Mayon ay Naga ang nabanggit ni Mocha sa kanyang panayam. Hindi lang mga ordinaryong mamamayan ang bumabatikos at nang-ookray kay Mocha kundi maging ang ilang kilalang celebrities. Sa kanyang Twitter account, nag-post ang aktor na si Enchong Dee na tubong-Naga City ng, “Makauwi nga sa probinsya ko… balita ko may bago kaming bulkan #NagaCity.” Ayon naman sa singer-comedienne na si Ethel Booba, “Sa sobrang gulo ng Pilipinas yung mga lupain natin naglilipatan na. Spratlys lumipat na sa China sunod yung Bulkang Mayon pumunta na sa Naga. Charot!” Ito naman ang reaksyon ng international singer-actress na si Lea Salonga, “With all due respect, we can’t change geography. That is all.” Nauna nang nag-sorry si Mocha sa kanyang pagkakamali, aniya, “Pasensya na po, tao lang, nagkamali.” Nang makarating naman sa mga miyembro ng Mocha Girls ang tweet ni Enchong, ipinagtanggol nila si ASec sa pamamagitan ng kanilang Facebook page. Ipinost nila ang screenshot ng post ni Enchong at niresbakan ang aktor. Ayon sa FB post ng Mocha Girls, “Ano ang tawag mo sa lalaking nangbubully ng babae? BAKLA o SUPOT? “Ganito po kasi ang nangyari, nagkamali si ate mocha sa fb live niya na sinabi niya na ang mayon volcano ay nasa naga, humingi na sya ng sorry sa pgkakamali nya pero ang mga bashers binully pa rin sya kasama na dyan si enchong. “Kaya yan po ang tanong namin.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending