Humirit na rin ng dagdag sa pasahe ang Uber Philippines sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board.
Naglalaro sa 58 hanggang 110 porsyento ang hinihinging pagtataas sa pasahe ng Uber depende sa oras.
Mula sa P5.70 nais ng Uber na maging P9 hanggang P12 ang kada kilometro ng biyahe.
Hindi naman gagalawin ng P40 na base fare at P2 time charge.
“The costs that driver-partners have to bear to maintain their vehicles is projected to increase due to several factors, including requirements under the Omnibus Franchising Guidelines to further improve safety and quality of service, increasing fuel prices, and new excise taxes on petroleum,” saad ng Uber.
Nauna ng humingi ng dagdag pasahe ang Grab Philippines. Hiniling nito na gawing P11- P15 ang pasahe kada kilometro mula sa P10-14. Hiniling din nito na gawing P2.10 ang kasalukuyang P2 per-minute charge. Mananatili naman ang base fare sa P40.
Pangunahing konsiderasyon sa paghingi ng dagdag pasahe ang pagpataw ng dagdag na buwis sa gasolina sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion law.
Humihingi rin sa LTFRB ng taas pasahe ang mga pampasaherong jeepney, UV Express at taxi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending