Dalawa ang naghati sa P78.1 milyong jackpot prize ng Super Lotto 6/49 sa bola Martes ng gabi.
Ayon kay Alexander Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office, ang mga nanalo ay tumaya sa Naga Rd., Las Pinas at Gen. Trias, Cavite.
Sila ang nakakuha sa winning number combination 30-17-24-23-06-02 at mag-uuwi ng mahigit sa P39 milyon.
Nanalo naman ng tig-P19,050 ang 54 mananaya na nakakuha ng limang lumabas na numero.
Tig-P380 naman ang 2,123 mananaya na nakakuha ng apat na numero at balik ang P20 taya ng 29,634 mananaya na nakatatlong numero.
Ang Super Lotto ay binobola tuwing Martes, Huwebes at Linggo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.