DU30 itinanggi nasa likod siya sa pagdawit ni Napoles kay Drilon sa pork barrel scam | Bandera

DU30 itinanggi nasa likod siya sa pagdawit ni Napoles kay Drilon sa pork barrel scam

- January 24, 2018 - 03:46 PM

ITINANGGI ni Pangulong Duterte na nasa likod siya sa pagdawit ng tinaguriang pork barrel scam na si Janet Napoles kay Senate Minority Franklin Drilon sa kontrobersiya matapos niyang sabihing tumanggap ang senador ng P5 milyon mula sa kanya.

“Tsaka ‘yung sabi ni Frank Drilon na ano — Magtanong siya kung sinong… Senator Drilon, if I talked to somebody urging a case against you sa PDAF, bring that person in my presence and I will resign because you are my friend,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati bago tumulak papuntang India.

Nauna nang idinawit ni Napoles si Drilon sa pork barrel scam matapos umanong bigyan ng P5 milyon.

“Hindi nga ako. Sinabi ko, it is not in my system. It is not in my style na maghabol ng…Ni wala akong pakialam sa kaso ninyo sa Mamasapano. Magdala ka ng tao dito kung sinong inutusan ko ‘yang sa PDAF-PDAF,” ayon pa kay Duterte.

Nahaharap si Napoles sa kasong plunder kaugnay ng P10 bilyong pork barrel scam.

“Sabi pa naman ni Napoles, marami pa raw siyang sasabihin. O, nauna na nga ‘yung mga kalaban ninyo. But ikaw kasi kaibigan kita noon pa, so nirerespeto ko ‘yan,” giit ni Duterte. 

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending