JM De Guzman pinagsabay ang droga at alak, 2 taon nagpagamot sa rehab | Bandera

JM De Guzman pinagsabay ang droga at alak, 2 taon nagpagamot sa rehab

Cristy Fermin - January 23, 2018 - 12:35 AM

JM DE GUZMAN AT JESSY MENDIOLA

NAPAKAALIWALAS ng aura ni JM de Guzman sa interview sa kanya ni Korina Sanchez. Para siyang pinabatang John Estrada, guwapo, walang pinipiling anggulo.

Dalawang taon siyang nagpa-rehab dahil ayon sa magaling na aktor ay hindi lang droga ang ginamit niya, nalulong din siya sa alak, kaya naghalo ang epekto ng dalawang bisyong ‘yun sa kanyang katawan.

Pansamantala siyang lumabas, pero bumalik uli siya sa rehab, dahil hindi pa kumpleto ang pinagdadaanan niyang gamutan. Sa ikalawang rehab center siya tuluyang kinakitaan ng katinuan ng kanyang mga doktor.

Depresyon ang lumamon nang buung-buo kay JM de Guzman. Mga kuwento nu’ng kanyang kabataan na palagi siyang binu-bully, depresyon sa trabaho, pero hindi niya ibinigay na dahilan ang paghihiwalay nila ni Jessy Mendiola.

Maaaring bahagi rin ‘yun, pero hindi na niya sinabi, tutal naman ay nakapag-move-on na siya at handa nang humarap uli ngayon sa mga camera.

Magaling umarte si JM de Guzman, kapuri-puri ang talento niya, kaya nakapanghihinayang ang dalawang taon niyang pagkawala sa sirkulasyon.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending