Angelica siningil sa utang ng ex-dyowa sa resto bar: Sa akin n’yo pababayaran ang ininom nila?!
MUKHANG may tsansang magkabalikan sina Carlo Aquino at Angelica Panganiban. Binanggit kasi ng aktres na isang ex-boyfriend lang daw niya ang hinding-hindi na niya babalikan.
Marami kasi ang gustong magkatuluyan ang dalawa lalo na’t pareho naman silang single, sabi nga ng isang entertainment editor, “Baka naman sila talaga in the end.”
Nabanggit dati ni Carlo sa panayam niya at nasabi rin niya yata kay Angelica na kung mature na sila pareho noong naging sila malamang daw ay nagkatuluyan din sila. Noon kasi ay mga immature pa sila, pero hindi naman itinangging sobrang minahal nila ang isa’t isa.
Ang sagot ng aktres habang ipinakita si Carlo sa video, “Matalik kong kaibigan yan. Ang maganda kasi sa amin naging magkaibigan kami after. Kasi nagsimula siguro siya sa friendship, naging magkaibigan kami nang mahabang-mahabang panahon sabay kami lumaki e. Ayun, kaya siguro nu’ng naghiwalay kami walang galit sa amin. Maayos yung hiwalayan.”
Naikuwento rin ni Angelica na niyaya siya ng ex-boyfriend niyang lumabas sila, “Inaaya naman niya ako,” sabay sabing, “Huy mamaya mapanood niya to, mag-expect naman yun.”
Samantala, nakakalokang kuwento ni Angelica na noong lumabas sila ng mga kaibigan niya pagkatapos ng premiere night ng “Ang Dalawang Mrs. Reyes” ay sinisingil siya ng P9,000 sa total bill nila.
Nagtataka raw siya kung bakit ganu’n kalaki ang bill nila. Ang sabi ng staff, kasama na raw doon ang na-consume noon ng ex-boyfriend niya.
Kuwento ng aktres sa Gandang Gabi Vice, “Sabi ko bakit ang laki, parang mga P9K. So, chineck ko ‘yung iba may pirma ko, ‘yung iba pirma ng ex ko. Sabi ko, babayaran ko lang ‘yung sa akin.
“Baka iba pa ‘yung kasama niya niyan, sa akin n’yo papabayaran yung ininom nila? Hindi naman ako ‘yung kasama?” dugtong ng aktres.
Sagot daw sa kanya, “Sabi niya hindi nga po, e, sabi po ni sir kayo na lang ‘yung magbayad.”
Hmmmm, baka naman babayaran na ito ngayon ng ex-boyfriend ni Angelica dahil tiyak na napanood nila ang episode na ito ng GGV kasama ang bago nitong karelasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.