Rocco pinatay na sa Haplos, RocSan fans na-shock | Bandera

Rocco pinatay na sa Haplos, RocSan fans na-shock

Ervin Santiago |January 23,2018
facebook
share this

Rocco pinatay na sa Haplos, RocSan fans na-shock

Ervin Santiago - January 23, 2018 - 12:20 AM

 

SANYA LOPEZ AT ROCCO NACINO

NAKAKAIYAK naman ang naging eksena kamakailan sa GMA Afternoon Prime na Haplos dahil namatay nga ang isa sa major character sa kuweno na ginagampanan ni Rocco Nacino.

Hindi inakala ng viewers na may ganitong plot twist na mangyayari sa Haplos. Kaya naman ang Kapuso actor, emosyonal ang naging pagpapaalam.

Sa kanyang Instagram account, nagbahagi ang binata ng photo ng kabaong ni Gerald na may caption na: “It was a good run. Maraming salamat sa lahat ng tumutok sa pagmamahalan nina Angela (Sanya Lopez) at Gerald. Mami-miss ko kayong lahat! It was an honor to be part of Haplos.”

Sa takbo kasi ng istorya, namatay si Gerald matapos kumain ng mansanas na isinumpa. Pero tila hindi pa ito ang huling beses na makikita siya sa serye. May balak pa kasi si Lucille (Thea Tolentino) na buhayin siya gamit ang itim na salamangka. Magtagumpay kaya si Lucille? Abangan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending