KRIS: Di ako magtatrabaho para bantayan si BIMBY, mapapahiya sa akin si MOMMY DIVINE! ha-ha-ha!!
Isa pang tinanong namin ay tungkol sa pagkakasama ng pelikulang “Torky And My Little Bossing” sa MMFF 2013 na pagbibidahan ng anak niyang si Bimby at ni Vic Sotto kasama pa si Ryzza Mae Dizon.
Ni-request daw kasi ni Kris kina bossing Vic at Mr. Tony Tuviera na si Joyce Bernal ang magdirek nito dahil kasundo raw ito ni Bimby samantalang ang paboritong direktor naman ng una na si Tony Y. Reyes ay magiging supervising producer.
Pero huli nang malaman namin na pagkatapos ng panayam namin kay Kris ay hindi puwedeng si Joyce ang magdirek dahil may ruling daw ang MMFF na isang pelikula lang ang puwedeng idirek ng isang direktor kaya ang “Kimmy Dora” na kasama rin sa festival ay si Chris Martinez na ang magdidirek at dahil naumpisahan na ni Joyce ang “10,000 Hours” ni Robin Padilla ay hindi na niya puwedeng gawin ang “Torky And My Little Bossing”.
Aminado rin si Kris na magiging matindi siyang stage mother, “Yes, hindi ako magtatrabaho the whole time habang nagso-shoot si Bimb, kaya kami advance ng advance ng Kris TV at sinabi ko na sa kanilang lahat na on the days of shooting, nakatutok ang nanay sabi ko nga, mapapahiya si Mommy Divine (nanay ni Sarah Geronimo) sa akin,” tumatawang sabi ni Kris.
Hindi pa namin tapos sulatin ang kabuuan ng panayam namin kay Kris sa nakaraang presscon for Kris RealiTV ay sinagot na niya ang paratang ng abogado ni James Yap na itigil na ang kadramahan ng TV host dahil ang gusto lang naman daw ng ama ni Bimby ay dalawin ang anak.
Bukod dito ay nabanggit pa ni Atty. Lorna Kapunan na nag-text daw mismo si Kris sa kanya na pahihirapan niya si James pagdating sa visitation rights nito kay Bimby.
Ito ang mensahe ni Atty. Kapunan, “Kris and/or her lawyers actions are not consistent with good faith, we have text messages from Kris indicating she will make it difficult for James to visit Bimby, and that James should file a motion to amend the visition order for him to visit Bimby.
“Her lawyers have indicated they will question the order of the court denying PPO (permanent protection order) over Bimby and have asked to see the report of the psychiatrist/sociologist. We don’t know if Kris sent James a text knowing that he is out of the country-unless, she wants to again build a case against James alleging that he has neglected his duties as father.
Enough of this drama! James wants to visit his son.“Is that too much to ask when the court has already decided that Bimby needs both parents!” Ito naman ang sagot ni Kris, “No comment, Reggs, si Atty. Raymund Fortun will represent me regarding visition agreement, hearing is tomorrow (Biyernes).
Sila ang NAG-DRAMA, di ba? Si Atty. Kapunan ang nag text blast na NO FATHER’S DAY for James. E, wala naman talaga kasi di ba, nasa Europe nga? “And I NEVER text James. I texted Attorney Alivia at 8:15AM on 16 June. He replied at 4:44PM,” text pa ni Kris.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.