Horoscope, January 21, 2018 | Bandera

Horoscope, January 21, 2018

Madam Sophia |January 21,2018
facebook
share this

Horoscope, January 21, 2018

Madam Sophia - January 21, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Mahirap mawalan ng pera, kaya sa sandaling gumanda ang buhos ngkapalaran, mag-savings ka. Sa pag-ibig, sa isang Libra ka tunay at talagang lilgaya. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Santosha-Yamas-Pranidhana-Om.” Lilac at silver ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Panahon na upang gawing mabilis ang mga bagay na noon mo pa iniisip, gawin upang ikaw ay umunlad. Sa pag-ibig, isaisantabi muna ang puso, salapi ang higit na mas mahalaga! Mapalad ang 5, 14, 19, 27, 41 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Veda-Vedya-Om.” Red at green ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Tama ang naisip mong mag-iba ng “style”. Baguhin ang tabas ng buhok. Kung carry mo, maglagay na rin ng kapirasong tattoo sa kanang bahagi ng katawan. Sa mga pagbabagong ilulunsad ang buhay ay mas liligaya at uunlad. Mapalad ang 3, 18, 21, 27, 34 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Arham-Nama-Jnana-Om.” Magenta at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Sa ibayong dagat may magandang kapalarang naghihinaty. Sa pag-ibig, sa abroad mo makikilala ang iyong true love na nakasuot ng kulay white. Mapalad ang 1, 4, 13, 22, 28 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Satura-Sahatma-Om.” Bukod sa white ang blue ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Kung sadyang nagigipit sa salapi, hindi masamang humingi ng tulong sa isang kaibigang Scorpio. Sa pag-ibig, sabihin sa kasuyo ang iyong mga dinadalang problema, malaki ang maitutulong niya. Mapalad ang 2, 7, 15, 22, 34 at 43. Mahiwaga mong mantra: “Trik-Padha-Vik-Bhuti-Om.” Maroon at green ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Wag maghintay ng suwerte. Sa malayong pook matatagpuan ang magandang kapalaran. Sa pag-ibig, habang naghahanap buhay mami-meet mo na ang iyong true love. Mapalad ang 1, 19, 24, 39, 42 at 47. Mahiwagang mong mantra: “Aum-Jai-Shari-Om.” Red at orange ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — May sopresang matatanggap. Sa pag-ibig, mamayang gabi, may masarap na romansang mararanasan. Sa pinansiyal, malaking halaga ng salapi ang bigla mong mahahawakan. Mapalad ang 5, 14, 23, 33, 42 at 49. Mahiwagang mantra: “Graha-Dosya-Jawala-Om.” Red at pink ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Sa taong ito ng 2018 ang likas na kagandahan ang aakit ng positibong kapalaran. Panatiliin ang pagsusuot ng violet, red at blue. Sa pag-ibig, higit na nakakikilig ang susunod na pagniig. Sa pinansiyal, biglang magbabayad ang isang dating may utang. Mapalad ang 4, 12, 27, 36, 42 at 47. Mahigawa mong mantra: “Sangkaan-Thaanam-Bhavalam.”
Scorpio – (October 24 – November 21) — Sa pag-ibig, makuntento sa kasalukuyang minamahal wag ng isipin pa ang nakaraan. Sa pinansiyal, lahat ng bagay na iniisip mo at iyong naipatupad, tiyak na magtatagumpay ka at uunlad. Mapalad ang 4, 17, 18, 25, 33 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Green at blue ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Mag-alaga ng kahit na anong uri ng hayop upang suwertehin ka, puwede ring mga halaman ang iyong alagaan. Sa pag-ibig, regaluhan ang kasuyo ng isang halamang maaari nyang ilagay sa kanyang silid. Mapalad ang 6, 15, 23, 26, 43 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Naikarma-Nirguna-Om.” Lilac at red ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Parating na ang suwerte, hindi mo ba nararamdaman? Upang patuloy na pumasok ang nasabing magandang kapalaran, ngumiti kang lagi at maging masayahin. Sa pag-ibig, may isang naka-black ang palihim na humahanga sa iyo kagandahan. Mapalad ang 2, 7, 19, 28, 34 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Om-Shiva-Om-Durga” Red at black ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Mahirap magmintina ng isang relasyon, ngunit kung iisiping nagkaka-edad ka na, kailangan mong gawin! Panatiliin ang kasuyong isinilang sa buwan ng Setyembre. Sa pinansiyal, sa produktong may kaugnayan sa high tech na kasangkapan ka yayaman. Mapalad ang 4, 9, 27, 31, 39 at 41. Mahiwaga mong mantra: “Kalil-Homa-Japa-Om.” Pink at blue ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Upang yumaman, magpataba! Ang mga taong may bilugang pagmumkha ang higit na yumayaman kaysa sa mga payat! Sa pag-ibig, igalang ang pasya ng kasuyo, wag komontra upang magtuluy-tuloy na ang inyong pag-unlad. Mapalad ang 2, 7, 19, 27, 33 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Krisna-Krisna-Rama-Rama.” Green at yellow ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending