Maine sosyalera, bagong proyekto para sa 2018 babandera na sa buong universe
PINAY ang chemist na nakatulong ni Maine Mendoza sa paghahanap ng tamang shade ng lipstick para sa isang global brand ng makeup.
Kinuhang official endorser at hindi lang influencer ang pagkuha kay Meng ayon kay Rams David, President ng Triple A Entertainment, ang management team ng Phenomenal Star.
Sabi pa ni David, habang nasa States si Meng ay isinasara na nila ang deal na ito. Hindi sila agad nakapaglabas ng kumpirmasyon bilang pagsunod sa provision sa kontrata na non-disclosure agreement.
Tanging si Maine lang ang Pinoy sa mga kinuhang influencers ng nasabing brand na binigyan ng free-hand sa paglikha ng shade ng lipstick na ieendorso niya. Kasama niya sa testing ang ilang foreign influencers na kilala sa mundo ng make up at cosmetics.
Sa paglabas sa market ng lipstick ni Maine, ibabandera ang mukha niya sa lahat ng MAC stores worldwide. Magkakaroon din ito ng launching sa bansa at sa buong mundo sa Spring 2018.
Sa Instagram fotos ni Meng, kanyang inilabas ang ilang pictures niya habang nasa lab ng MAC sa Toronto para hanapin ang shade ng lipstick na kanyang ieendorso.
“So happy to let you guys know that I am creating my own lipstick with @maccosmetics! Feels surreal to be chosen as one of the influencers and to be the first Filipina to have a lipstick collab with MAC. (Thanks so much, @maccosmeticsph!).
“Creating your own lipstick from scratch is tricky but I am so glad I was able achieve the colour I wanted.
I am sure you guys are gonna love it!!!! Can’t wait for it to be launched! YAAAY!” caption ni Meng.
Ilan sa celebrities na nagpaabot ng pagbati sa achievement na ito ni Meng ay sina Pia Guanio, Jasmine Curtis, Sheena Halili at iba pa.
Congratulations, Maine!
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.