Lasenggong aktor ayaw magpadoktor: Hindi ako sira-ulo! | Bandera

Lasenggong aktor ayaw magpadoktor: Hindi ako sira-ulo!

Cristy Fermin |January 21,2018
facebook
share this

Lasenggong aktor ayaw magpadoktor: Hindi ako sira-ulo!

Cristy Fermin - January 21, 2018 - 12:15 AM


SISING-ALIPIN na ang isang magaling na aktor sa mga kabalbalang pinaggagagawa niya nu’n pero mukhang mahihirapan siyang makapagtrabaho agad, pagdududa pa rin ang naglalaro sa utak ng mga nilalapitan niya, meron muna siyang kailangang patunayan.

Marami na siyang kinausap, nanghingi na siya ng tulong sa isang direktor para maihanap siya ng trabaho, pero lahat ay nakabitin sa hangin kung matutuloy ba o ibabasura ang kanyang mga gustong gawin.

Kuwento ng isang source, “Wala naman kasi siyang kadala-dala! Wala rin siyang isang salita! Promise siya nang promise na magpapakatino na siya, pero ano ang resulta ng mga pangako niya? Waley!

“Imagine, meron siyang hawak na softdrink in can, paniwalang-paniwala naman ang mga kaharap niya na soda nga ang iniinom niya, pero ‘yun pala, alak ang laman!

“Di ba, dumating na siya sa point na hindi lang ang public ang niloloko niya, pati ang sarili na niya, wala nang pagtino ang lalaking ‘yun!” simulang kuwento ng aming impormante.

Ayaw niya namang makipagkita sa psychiatrist, hindi raw siya sira-ulo, matino raw ang pag-iisip niya, bakit daw siya magpapadoktor?

“E, di nga ba, maraming nagsasabi na mas madali pang gumaling ang gumamit ng droga kesa sa mga alcoholic? Bakit ayaw niyang magpatingin sa psychiatrist, e, ‘yun na ang kailangan niya?

“Kailangan na siyang magpatingin dahil puro salto na ang mga pinaggagagawa niya! Tama bang matingnan lang siya, e, pinag-iisipan na niya agad ang nakatingin sa kanya na pinagbabalakan siyang patayin?

“Kesa raw sa maunahan siya, e, una na niyang sasaktan ang nagpaplanong pumatay sa kanya! Patayan agad-agad? Hindi ba puwedeng na-starstruck sa kanya ‘yung tao, kaya nakatitig sa kanya?

“Wala nang pag-asang magbago pa ang buhay ng lalaking ‘yun hanggang hindi niya tinatanggap ang katotohanang sa kanya dapat magmula ang pagbabago.

“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, wala nang clue, bigay na bigay na kung sino ang barumbadong male personality na ito, may iba pa ba?” pagtatapos ng aming source.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending