Cherie Gil: Hindi maiwasan maging masungit sa shooting!
SIMULA ngayong Linggo, Jan. 21, sama-samang mamangha sa pinakabagong adventure-filled fantasy series ng GMA Network na pagbibidahan nina Mikee Quintos at Mikoy Morales—ang Sirkus.
Ito’y isang family-oriented program tungkol sa kambal na sina Mia and Miko na makakasama ang grupo ng salamangkero na kilala bilang Sirkus Salamanca matapos nilang makatakas sa mga kamay ng kontrabidang si La Ora na gagampanan ng batikang aktres na si Ms. Cherie Gil.
Sa piling ng Sirkus Salamanca, hindi lang nila madidiskubre ang mga naitatagong lihim ng kanilang new-found family, lalo pang makikilala ng kambal ang kanilang mga sarili.
Magiging sandalan nina Mia at Mikoy ang mga bumubuo sa Sirkus Salamanca na bibigyang-buhay ng mga Kapuso star na sina Andre Paras bilang si Martel—ang binatang hindi masusukat ang taglay na lakas; Chariz Solomon as Astra—ang kanang kamay ni Leviticus to be played by Gardo Versoza, sa Sirkus Salamanca at isang manghuhulang ginagabayan ng mga pangitain; Sef Cayedona bilang si Al—ang sirkerong kinabibiliban ng mga manonood dahil sa acrobat stunts nito; at Klea Pineda bilang Sefira—ang maganda at kamangha-manghang babaeng gumagamit ng apoy bilang sandata sa pakikipaglaban.
Makakasabwat naman ni La Ora sa paghahanap sa kambal sina Luca at Facundo (Divine Tetay at Gerard Arca). May espesyal na pagganap rin sa serye sina Zoren Legaspi at Angelu de Leon.
Ang Sirkus ay mula sa award-winning team ng GMA Public Affairs sa konsepto ng Program Manager na si Angeli Atienza at sa direksyon ng internationally-awarded writer-director na si Zig Dulay.
Samahan sina Mia at Miko sa kanilang paglalakbay sa mahiwagang mundo ng Sirkus, tuwing Linggo, 6:10 p.m., simula ngayong Jan. 21, sa GMA.
q q q
Speaking of Cherie Gil, diretso namang sinabi ng primera kontrabida na may mga pagkakataon na hindi maiwasang mairita o magsungit sa taping o shooting.
Sabi nga niya sa nakaraang presscon ng Sirkus, “I applaud these people for being patient with me. Minsan kasi di natin maiwasan na maging masungit sa set talaga.
“I guess everyone is actually kind of irritated kasi of the location that is very far, tapos we have to wear these elaborate costumes in the middle of the day when its really hot. But you know, everything was worth it kasi when we saw the trailer, we were all clapping with joy. Kasi ang ganda and it’s the first time that we saw something like that so amazing on television,” ani Cherie.
Spoiled nga raw siya sa production ng programa, “They’re very generous to collaboration and really they are spoiling me. They are giving me what I ask in terms of character creation because.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.