Maine lumipad pa-Canada para sa bagong proyekto; Alden nag-beach sa
KALAT na kalat na sa social media ang dahilan ng pagpunta ni Maine Mendoza sa Canada.
Ito ay ang para sa kanyang bagong endorsement na isang international brand ng make up.
Sa kanyang Twitter account, may picture si Meng na may kasamang dalawang girls na foreigners habang sa likod nila, kita ang The Estee Lauder Companies. Inc. Canadian Innovation Centre.
Tweet ng Phenomenal Star, “When you don’t know how to do your own make up, #VavaengMarangal na lang ang peg. Tint tint ganun.”
Sa tweet naman ng kanyang road manager/handler na si Michael, nakasaad ang, “2nd batch for today. Congratulations @mainedcm #MAINE for MAC.”
Siyempre pa, nagbunyi ang fans ng Dubsmash Queen sa bago niyang achievement na ito.
Samantala, chill-chill lang si Alden Richards sa isa niyang Instagram post habang nasa isang beach sa Sydney, Australia bago sumalang sa show niya roon mamayang gabi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.