Suspek sa brutal na pagpatay sa fan ni Maine naaresto na
NAHULI na pala ng mga anti-drug operatives ng PNP ang suspek sa pagpatay sa fan ni Maine Mendoza na si Maria Rachelle “Raz” Alfaro.
Kinilala ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang suspek na si Shanon James Bon Buckley.
Sa ulat ng GMA, mariin namang itinanggi ng suspek ang pagpatay kay Alfaro noong March 2017. Aniya, ang ex-girlfriend daw niya ang nasa likod ng krimen.
Kung matatandaan, isang registered nurse at call center agent si Raz na pinagsasaksak sa isang resort sa Tanza, Cavite. Siya ay isang AlDub fan at administrator ng social media accounts ng The MaineGirls Fans Club.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.