Si sir ‘chickboy’: pwede sa chick, pwede sa boy | Bandera

Si sir ‘chickboy’: pwede sa chick, pwede sa boy

Den Macaranas - January 17, 2018 - 01:33 PM

BAGAMA’T marami ang kumukwestyon sa sexual preference ng isang sikat na mambabatas ay may itinatago pala itong love child sa isang lungsod sa Mindanao region.

Sinabi ng ating Cricket na teenager na ang anak ni Sir mula sa kanyang naanakan na sinasabing kahawig rin ng kanyang misis.

Matagal na kasing tsismis kahit sa kanilang lugar sa isang kilalang lungsod sa Central Luzon na isang “playboy” si Sir.

Meaning, nakikipag-play siya sa mga boys.

Pero lately ay nadiskubre ng ating Cricket ang itinatagong lihim ni Sir.

Isang magandang binibini mula sa Mindanao ang bumihag sa kanyang puso at ito ay kanyang niligawan ilang taon na ang nakalilipas.

Kahit na busy si Sir sa kanyang trabaho bilang isang public servant at pinuno ng isang sikat at malaking non-government organization ay nagawa pa rin niyang bisitahin ang kanyang chi-ching sa Mindanao na nagresulta nga sa pagkakaroon nila ng isang anak.

Inamin na rin naman ni Sir ang kanyang pagkakamali sa kanyang misis at napatawad na siya nito makaraan ang ilang buwang pagtatampo.

Biro ng ating Cricket, mas okay na sa girl matsismis si Sir kesa naman sa isa niyang kapwa lalaki tulad ng dating mga blind items.

Pero kahit na ma-involved si Sir sa ibang babae ay hindi na ito masyadong mapapansin dahil sa kanyang magandang performance sa public service ganun rin sa NGO na kanyang pinamumunuan.

Ang mambabatas na may itinatagong anak sa Cagayan De Oro City ay si Mr. R….as in Richman.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending