Mariel sa mga bashers ni Robin: Wag n'yong idamay ang anak ko! | Bandera

Mariel sa mga bashers ni Robin: Wag n’yong idamay ang anak ko!

Ervin Santiago - January 16, 2018 - 04:00 PM

MARIEL RODRIGUEZ AT ROBIN PADILLA

NIRESBAKAN ni Mariel Rodriguez ang mga bashers ng asawang si Robin Padilla dahil sa panenermon nito sa isang Korean magician na nag-audition sa Pilipinas Got Talent nitong nakaraang weekend.

Pinagsabihan kasi ni Binoe ang Koreanong contestant na si Kim Jiwan na mag-aral munang mag-Tagalog bago mag-audition sa PGT.

Marami ang bumatikos kay Binoe dahil sa kanyang ginawa, masyado raw mayabang at wala sa lugar ang kanyang pagiging makabayan.

Idinamay pa ng ilang netizen ang kanyang mga anak na sa ibang bansa na naninirahan. May kumuwestiyon din sa anak nila ni Mariel na ipinanganak naman sa Amerika.

Kung totoo raw na mahal ni Binoe ang Pilipinas, bakit daw sa US pa ipinangak si Baby Isabella. Dito na na-bad trip si Mariel at sa pamamagitan ng Instagram, inilabas niya ang sama ng loob.

Narito ang kabuuan ng kanyang mensahe: “Our cable was down over the weekend and I have been so busy taking care of my baby that I only had the chance to watch the clip of PGT today. In my opinion Robin was being true to himself. Si Robin magpapakamatay yan para sa Pilipinas.

“Si Robin ibibigay niya buhay niya para sa mga katutubo, sa mga kapatid… sa mga Pilipino. Ganu’n si Robin.
“It is very hard to understand his passion when it comes to his love for the country, pero pagkatapos ng pagibig niya sa Allah, susunod ang pag-ibig para sa bayan, more than family more than self more than anything (except God) pinakamahal ni Robin ang Pilipinas.

“If you watch the whole clip he was being a very fair judge when it came to the talent of the korean contestant. He humbled himself and said ‘pasensya ka na’ even added ‘isipin mo na lang na tatay mo ako sa Pilipinas at napagsabihan ka ng tatay mo.’ So, ano ba ang ikinakagalit niyong lahat? Dinamay niyo pa yung anak kong inosente!

“Okay lang na maglabas kayo ng mga opinion niyo no problem kasi opinion niyo yan. Pero para idamay ang anak ko na walang kasalanan sa mundong ito! Below the belt. No mother should ever receive ill wishes for her child no matter what the circumstances are.

“I learned that in Islam it is all about your INTENTIONS… and Robin did not have any intention to cause anyone pain but you guys sending hate our way even including my child is purely intentional so goodluck sa inyo in your afterlife.
“While you guys are bashing away Robin is busy rebuilding Marawi. People with REAL PROBLEMS! And no your bad comments are not welcome on my page. To my husband… we stand by you 100%.”

q q q

Samantala, idinaan naman ni Robin Padilla sa Instagram ang kanyang sagot sa lahat ng mga bumabatikos sa kanya. Nag-post siya ng isang litrato ni Apolinario Mabini at ng bandera ng Katipinan.

Nilagyan niya ito ng caption na: “Filipino Hospitality is far different from slavery and stupidity…Mahalin mo ang bayan mo at ang lahi mo lalo ang wika mo bago ang lahi at wika at bayan ng dayuhan.

“Always fight for your freedom to gain respect, never allow a foreign power to intimidate you in your country just because they are rich. Be a proud Filipino!!! Mabuhay ang lahing kayumanggi!!! Mabuhay ang Tagalog Republic!!!”

Samantala, game na game namang sinagot ni Robin ang mga tanong sa nakaraang presscon ng bago niyang daytime series sa ABS-CBN, ang Sana Dalawa Ang Puso kasama sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap.

Talagang naloloka si Jodi sa mga naging pahayag ni Binoe, lalo na nang tanungin ang action star kung posibleng ma-in love rin siya kay Jodi dahil nga kilala siyang madaling ma-fall sa mga leading lady niya.

Nang tanungin naman kung payag ba siyang magpakita ng pwet sa isang indie o art film, sagot ng asawa ni Mariel, “Bakit naman butt lang, puwede naman akong frontal!”

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Hirit pa niya, “Ako, wala ako talagang…sa panahon ngayon, ano pa ba naman? Singkuwenta na ako, eh. Isipin mo 50 ka na pero pinag-iinteresan ka pang makita yung puwet mo saka frontal, eh, dapat maging proud ka!”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending