Horoscope, January 17, 2018 | Bandera

Horoscope, January 17, 2018

Madam Sophia |January 17,2018
facebook
share this

Horoscope, January 17, 2018

Madam Sophia - January 17, 2018 - 12:15 AM

Para sa may kaarawan ngayon: Sa taong ito ng 2018 ay hindi maiiwasan ang problema pero maiiwasan ang mga taong walang kuwenta. Iwasang makipagkuwentuhan sa kanila upang hindi ka mahawahan ng kamalasan. Sa halip, maglalapit ka sa mga taong alam mong sinusuwerte, bandang huli malilipat sa iyo ang suwerte nila. Mapalad ang 1, 9, 19, 28, 40 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Tara-Beha-Jovecal.” Green at orange ang buenas.

Aries – (Marso 21-April 19) — Bagamat okay na ang trabaho, maghanap ka pa rin ng dagdag pang pagkakakitaan upang mas madaling lumago ang kabuhayan. Sa pag-ibig, ituloy ang pakikipagrelasyon sa isang Sagittarius, sa piling niya mas mabilis na uunlad ang inyong kabuhayan. Mapalad ang 8, 16, 23, 34, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Goh-Palah-Goh.” Yellow at pink ang buenas.

Taurus – (April 20-May 20) — Sa pag-ibig, wag nang pakawalan ang kasuyong isinilang sa buwan ng Disyembre, katugma mo siya. Sa pinansyal, ang nasabi ding kasuyo ang sa iyo ay magpapayamana. Mapalad ang 6, 18, 24, 37, 42 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yamuna-Om-Yasoda.” Blue at maroon ang buenas.

Gemini – (May 21-June 21) — Sa pinansyal, negosyong may kaugnayan sa cellphone, computer, at iba pang modernong kumunikasyon at kasangkapan ang magbibigay ng pag-unlad. Sa pag-ibig, dispatsahin na ang lumang kasuyo, palitan ng bago na may zodiac sign na Sagittarius. Mapalad ang 5, 9, 23, 32, 37 at 40. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mandala-Om.” Silver at gray ang buenas.

Cancer – (June 22- July 22) — Sa pag-ibig, kung nanlalamig ang relasyon, ikaw ang mag-initiate upang ito ay muling uminit. Sa pinansyal, ipakita sa kanila ang ehemplo ng isang masinop at masikap na pamumuhay. Oo, umpisahan mo ng magpayaman ngayon. Mapalad ang 4, 8, 22, 32, 37 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Yara-Salvame-Om.” Green at gold ang buenas.

Leo – (July 23 – August 22) — Sun ang iyong ruling planet. Upang maiwasan ang hindi kanaisnais na karamdaman, laging magbilad sa araw tuwing unang oras sa umaga. Sa ganyang paraan, lalakas ang iyong enerhiya at ang iyong immune system. Sa pag-ibig, mamayang gabi magpamasahe sa minamahal. Mapalad ang 7, 9, 20, 29, 30 at 45. Mahiwaga mong mantra: “Agla-Aum-Aum.” Blue at yellow ang buenas.

Virgo – (August 23 – September 22) — Sa taong ito ng 2018 ay mas malaking halaga ang kikitain kung matututong mag-meditate araw-araw. Sa pag-ibig, laging yayain ang kasuyo sa pagsisimba at iba pang gawaing may kaugnayan sa ispirituwalidad upang lalong tumibay at tumatag ang inyong pagmamahalan. Mapalad ang 3, 12, 27, 32, 39 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Egosum-Om-Obre-Om.” Blue at silver ang buenas.

Libra – (September 23-October 23) — Upang huwag maubos ang salapi, sumunod sa mungkahi ng kasuyo. Unti-unti lang ang paggastos. Hindi kailangan ang pagkaing mahal na masarap, sa halip pagkaing mura lang pero masustansya ang dapat. Mapalad ang 3, 15, 24, 33, 42 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Swami-Budhananda-Om.” Lilac at green ang buenas.

Scorpio – (October 24 – November 21) — Habang lumalamig ang panahon pagpatak ng dilim, romansahin ang kasuyo na matampuhin upang muling umiinit ang nanlalamig na relasyon. Sa pinansyal, magnegosyo ng kalakal na may kaugnayan sa pagkain, upang yumaman. Mapalad ang 6, 15, 24, 34, 37 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Malka-Om-Halka.” Blue at red ang buenas.

Sagittarius – (November 22 – December 21) — Kung may problema na naman, ituloy ang nakaugaliang pagdarasal. Tunay ngang ang taimtim na panalangin ay nakapagdadagdag ng suwerte at magandang kapalaran sa lahat ng aspeto ng buhay. Mapalad ang 2, 16, 23, 32, 41, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Yama-Yasoda-Om.” Violet at orange ang buenas.

Capricorn – (December 22 – January 19) — Sa taong ito ng 2018 gawing kalugod-lugod ang trabaho. Kung masaya ka sa ginagawa mo, mas madali kang yayaman. Sa pag-ibig, kung kapwa kayo maligaya ng kasuyo, mas maraming suwerte at biyaya ang darating. Mapalad ang 4, 17, 25, 31 35, at 40. Mahiwaga mong mantra: “Saguna-Santura-Om.” Green at yellow ang buenas.

Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag ubusin ang enerhiya at ang iyong panahon sa kaiisip ng iyong mga problema. Alalahanin mong bigla na lang dumating yan, kaya bigla din yang mawawala. Kapag hindi mo na iniisip ang problema, magtatampo iyan at kusa ng lilisan sa iong buhay. Ang pinakamabuti mong gawin ngayon ay magsaya at maglibang upang makalimot ka. Hanapin at sumama sa mga gimmick ng kaibigang Libra. Mapalad ang 4, 13, 18, 27, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Hare-Krisnah.” Black at green ang buenas.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Pisces – (February 19 – March 20) — Wag mag-alala. Sa pinansyal, kung kailan ka walang-wala, bigla ang dating ng napakalaking halaga. Sa pag-ibig, hintayin ang pagdating ng isang Scorpio upang ikaw ay habambuhay ng lumigaya. Mapalad ang 4, 13, 28, 31, 40 at 49. Mahigawa mong mantra: “Aum-Agiel-Ophiel-Om.” White at blue ang buenas.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending