Pagmumura raw ni Alden sa Eat Bulaga nakunan ng video; pero sigaw ng AlDub fans…fake news!

By Alex Brosas January 15,2018
share this

Pagmumura raw ni Alden sa Eat Bulaga nakunan ng video; pero sigaw ng AlDub fans…fake news!

By Alex Brosas January 15,2018
share this

MARAMI ang nag-react sa pagmumura diumano ni Alden Something sa isang segment ng isang noontime show.

Kumalat sa social media ang video kung saan parang kaboses ni Alden ang nagmumura. Napanood namin ang video pero parang mahirap paniwalaang si Alden ang nagmumura. Parang spliced out ang video at kaboses lang ito ng actor.

But bashers of Alden reac-ted negatively on the actor. Pinagpiyestahan talaga siya ng panglalait.
“It seems ayaw niya sa role niya kasi sinigawan ata ni Madam Bos eh. Executive Assistant king***na ka. Galit!”

“Eh di ba gusto nya lagi sya napag uusapan, lagi sya bida ayaw pasapaw. Oh ayan napag usapan na sya. Yun nga lang sa panget na paraan.”

“Ayan ung beni-baby nyo @rodriguezruby @AiAiDelasAlas2. Kaka baby nyo pina-tulan na yung bata minura. Napapaligiran kasi ng mga BI na bakla sa paligid kaya ang bibig bakla na din.”

“Oh yan lumalabas na talaga ugali….kunyaring ingat na ingat sa style at ugali sa EB. Di nya alam naka on yung mic.”

But one AlDub fan defended Alden, “Halata namang fake. Sinong niloko nyo? Yan tayo eh! Wala kasi kayong ma-kitang pambutas kaya fake news pa more! Beware of these fake accounts!”

Pakisagot nga, Alden kung ikaw yung nagmura sa video o may kaboses ka lang na pinalabas na ikaw ang nagmura para maging nega ka?

 

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending