Maja non-showbiz ang bagong dyowa: 15 years na kaming magkabarkada kaya chilax lang! | Bandera

Maja non-showbiz ang bagong dyowa: 15 years na kaming magkabarkada kaya chilax lang!

Ervin Santiago |January 15,2018
facebook
share this

Maja non-showbiz ang bagong dyowa: 15 years na kaming magkabarkada kaya chilax lang!

Ervin Santiago - January 15, 2018 - 12:01 AM


DIRETSONG inamin ng Dance Diva na si Maja Salvador na super happy ang kanyang puso ngayon. Non-showbiz ang bago niyang boyfriend ngayon pero ayaw na niyang magbigay ng iba pang detalye about the guy.

Sa nakaraang presscon ng bago niyang concert, ang “Maja On Stage” sinabi ng singer-dancer-actress na kahit super busy siya sa kanyang trabaho ay nabibigyan pa rin niya ng sapat na panahon ang kanyang personal life.

“Sabi ko nga kung masugid naman ‘yung love life mo wala namang problema ‘yun kasi meron at meron ‘yun,” ani Majs na seksing-seksi pa rin at fresh na fresh kahit ngarag sa kanyang showbiz commitments.

Mas naa-appreciate ngayon ng dalaga ang kanyang lovelife dahil mas tahimik at mas pribado. Iba raw talaga kapag hindi showbiz ang kanyang karelasyon, less intriga at less tsismis.

Ibig sabihin, mas enjoy siya ngayong hindi taga-showbiz ang BF niya? “Oo naman kasi ‘yung sa akin ngayon is 15 years ko ng kakilala eh, barkada ko na dati pa so, okay kasi iba ‘yung foundation, ‘yung friendship, buong-buo,” aniya pa.

Hirit pa ni Maja, “Ang maganda du’n kasi is nakakausap mo or kung ano ‘yung nangyayari sa mundo niya, anong nangyayari sa mundo ko, i-yon ‘yung maraming napag-uusapan at 15 years na magkaibigan, kaya kabisado na namin ang isa’t isa.”

q q q

Samantala, promise ni Maja, mas marami silang pasabog sa kanyang next major dance concert tour na “Maja On Stage”. Magsisimula ito sa IEC Convention sa Cebu on Feb. 4 na susundan ng second leg sa The Big Box East Jurong sa Si-ngapore on Feb. 18, 2018.

Pagkatapos nito, babalik si Maja sa bansa para sa next leg dito sa Manila para sa pagpapatuloy ng kanyang tour. Gaganapin naman ito sa KIA Theater sa March 23.

“Nu’ng sinabi na may plans about concert at kung ano ang magiging title, si-nabi ko lang na parang na buong 2017, nagpaka-actress ako, nag-Wildflower lang ako the whole year, di ba? So parang 2018, sasampa ulit ako ng stage,” kuwento ni Maja.

Ito na ang ikaapat na major concert ni Maja, at in fairness successful lahat ng mga ito: “Maj: The Legal Performer” (2014), “Majasty” (2015) at “Only Maja” (2016).

“Eh, forever love ko ‘yon. Forever love ko ‘yong pag-sho-show kaya hindi man kami magsama, magkahiwalay man kami ng ilang taon, pero babalik-balikan ko siya,” chika pa ng Dance Diva.

Pangako pa ni Maja sa kanyang mga fans, mas mapapanganga ang audience at mas mag-eenjoy sila sa mga inihanda nilang production numbers.

“Siyempre, not the same as sa MOA, sa mga naging concerts sa Music Museum, kasi siyempre we want something new naman lagi. So, iba yung atake sa music, sa sayaw, basta siniguro namin na hinding-hindi sila malulugi sa mapapanood nila,” sey pa ng dalaga.

Makakasama rin ni Maja sa kanyang concert tour ang mga leading man niya sa Wildflower na sina Joseph Marco, RK Bagat-sing at Vin Abrenica, with Kakai Bautista at Pooh.

“Siguro yung always na sinasabi ko, just to give happiness. Yung magbigay ng entertainment sa mga kapamilya natin sa iba’t ibang lugar at sa iba’t ibang bansa. Yun naman talaga ang gusto ko kaya ko ginagawa ang lahat ng ito,” chika pa ni Maja.

For tickets inquiries sa “Maja On Stage” sa Cebu on Feb. 4, call Mav at 0926-0747776/02-4306870, Christina 0937-2506848, Robinsons Galleria 0932-5110962,
Rallion at 09219221796 at sa IC3 Office: 343-4854.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Para naman sa “Maja On Stage” in Singapore sa Feb 18, 2018 please call 914-401-87.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending