MALI si Pangulong Aquino kung ang pupulungin niya hinggil sa baha sa Metro Manila, lalo na ang delubyo noong Hunyo 17, ay sina MMDA Chairman Francis Tolentino at Public Works Secretary Rogelio Singson. Tutal, magaling si Aquino sa sabunan at banlawan. Ang dapat na ipatawag niya sa Malacanang ay mga mayor dahil ang mga ito ang walang ginagawa para maiwasan ang baha.
Itong si Tolentino, squatter na naman ang sinisi. Nanalo na nga ang Team Pinoy, sisisihin pa ang squatter? Bakit, wala bang basura ang mayayaman? Kung may jumper ang squatter, meron din naman sa Forbes Park, di ba?
Nagsumbong si Lolo Erwin, nakatira sa tabi ng estero sa Pasay, na sa kanyang lugar hindi kinokolekta ng City Hall ang basura. Kaya may basura sa estero.
Hindi na bagong balita ang sexual abuse ng mga opisyal ng department of labor (huwag na nating isama ang “employment” dahil wala namang trabaho) sa mga overseas contract workers sa Middle East. Noong panahon ni Ka Blas Ople, may naulinigang alingasngas ang mga reporter sa Intramuros at agad na ibinulong ito kay Ka Blas. Pinauwi ni Ka Blas ang opisyal at ipinatawag ang biktima. Nang magharap ang dalawa, tinanong ni Ka Blas ang biktima kung ano ang nais niyang mangyari.
Ang sabi ng biktima ay dapat tanggalin sa trabaho ang opisyal. Agad na tinanggal ni Ka Blas ang opisyal at inutusan itong bayaran ang biktima ng malaking pera. Tapos ang kaso. Ang iniwang aral ng insidenteng ito ay dapat, nagsisimula pa lang ang problema, hindi na kinukunsinte at nilulutas agad. At hindi na kailangang sumabog pa sa media.
Ang babaeng OFW ang pinakakawawa. Kung hindi sila inaabuso ng mga opisyal ng DOLE, ay mismong inakalang tagapagligtas pa nila ang gumagawa ng masama. Isa sa mga lalaking ito ay sikat na sikat na, tinitingala, iginagalang at tagapagtanggol pa raw ng api ngayon. Sa kabila ng napakaningning na karera (career), convicted siya sa isang kasong kriminal.
Napakarami ang walang trabaho sa Upi, Maguindanao, sumbong ng texter. Ang dahilan, huminto ang obras publikas na farm-to-market roads, patubig at paaaralan. Ano ba ang gagawin ng ginugutom na taumbayan?
MULA sa bayan (i-text sa 0917-8446769): Sir Lito, wala na bang senador na tutulong sa mahihirap? Nasaan ba ang batas para sa mahihirap? Itong si Pangilinan, anong klaseng laya ang nag-aabsuwelto sa menor de edad? Nang dahil sa batas ni Pangilinan, batambata na ang mga kriminal. …0365
Bakit tumaas ang presyo ng mga bilihin dito, pati pamasahe? Kawawa naman ang mga pobre rito. EN2X, ng Matalam, Cotabato.
MAY alam ka bang katiwalian sa isang sangay ng gobyerno? Ikaw ba’y hiningan ng pera habang naglalakad ng papeles sa ahensiya ng gobyerno? O may alam ka bang opisyal ng gobyerno na may ibinabahay na iba? May reklamo ba kayo sa mga pulis? May ibinabahay bang ibang pamilya ang pulis sa inyo? Parati ba siyang galit sa pera? O adik na ba siya?
Tulungan natin ang pamahalaan na linisin ang kanilang hanay. Tulungan din nating mapigilan ang katiwalian sa gobyerno. Sumulat sa Tropang Bandera, MRP Plaza bldg., Pasong Tirad corner Mola st., Makati City. Lakipan lamang ng Bandera logo with date ang inyong liham. O, i-text sa 0917-8446769
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.