Kris, Bistek muling nagkrus ang landas sa kasal ng yaya ni Bimby
NAPIGILAN ng bunsong anak ni Kris Aquino na si Bimby ang kanyang emosyon habang ikinakasal ang kanyang yaya Racquel kay Jun Aries Confesor kaninang tanghali. Si Quezon City Mayor Herbert Bautista mismo ang nagkasal sa dalawa sa Quezon City Hall.
Ibig sabihin, nag-mature na si Bimby. Kung matatandaan kasi, noong ikinasal ang Yaya Gerbel ng anak ni Kris noong Oktubre, 2015 ay iyak nang iyak ang bagets. Halos hindi na nga ito makahinga sa sobrang pag-iyak. Si Yaya Gerbel na kasi ang halos nagpalaki kay Bimby kaya talagang naapektuhan ang bata.
Pero kanina nga sa kasal ni yaya Racquel, kalmado lang si Bimby at game na game pa sa pictorial.
Kuwento nga ng isa sa staff ni Kris na si Jack Salvador, “Yung nanay nu’ng groom pinauwi ni Madam (Kris) kahapon all the way from Bacolod. Sagot ni Madam (pamasahe) then after kasal ngayon sagot ni Madam ‘yung reception sa Sweet Inspiration. Hindi lang nakapunta si Madam kasi may taping pa siya pero nandu’n naman si Kuya Josh.
Si Kris ang tumayong ninang ng mga ikinasal. Sa kanyang Instagram account, nag-post din si Kris ng mga litrato na kuha sa kasal at may kuha rin silang magkasama ni Mayor Bistek. Ayon pa sa Queen of Social Media, nagkausap sila ng masinsinan ni Bimby bago pa ang kasal kaya hindi na ito naging emosyonal.
Kuwento pa ni Kris, “Poor Bimb, he didn’t cry anymore the way he did when Gerbel got married- but he was asking me for a heart to heart talk at 3:30 AM, telling me to please explain why things have to change and how come people he loves and gets attached to end up leaving?
“Can anybody really ever answer that? I just embraced him & told him we should be happy that people we love have found true & lasting love… and now we just have to pray extra hard that Bincai doesn’t fall in love, amen. “
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending