PhilHealth sa may breast cancer | Bandera

PhilHealth sa may breast cancer

Lisa Soriano - June 21, 2013 - 07:00 AM

MAGANDANG araw po sa inyo. Ako po si Joy Feliciano, isa po ako sa
milyong nagbabasa ng inyong kolum.
Isa po akong PhilHealth member na inisponsoran ng Mayor sa aming lugar. Benepisyaryo ko po ang aking ina na mayroong breast cancer. Magagamit ko po ba ito para makatulong sa pagpapa-chemotherapy at sa mga laboratory test na pagdaraanan ng aking inang may sakit?
Marami pong salamat at sana po ay magkaroon ng positibong tugon ang aking liham. Pagpalain po kayo ng Poong Maykapal.

REPLY:

Bb. JOY FELICIANO,
Pagbati mula sa PhilHealth!

Ito po ay patungkol sa inyong katanungan hinggill sa paggamit ng benepisyo ng PhilHealth para sa gamutan ng breast cancer ng inyong ina.

Nais naming ipaalam na maaaring maka-avail ang inyong ina ng PhilHealth benefits sa kanyang pagpapa-chemotherapy para sa kanyang breast cancer. Ang chemotherapy ay binabayaran sa pama-magitan ng “fee for service” kung saan ang maximum benefits na maaa-ring ma-avail ay ang mga sumusunod kung ito ay ginawa sa Level 3 (Tertiary) na ospital:
Drugs and Medicines
P28,000
X-ray, Lab & Supplies
P21,000
Professional Fee

a. Specialist
P560 per session
Operating room fee

a. Use of specialized room for Chemotherapy
P1,200 sa tuwing gamit ang chemotherapy room
Ang nasabing benepisyo ay maaaring magamit sa loob ng 45 araw sa isang taon ngunit ito po ay nasasakop ng single period of confinement. Ang single period of confinement ay ang sunod sunod na gamutan (kagaya ng chemotherapy) sa parehong sakit sa loob ng 90 araw. Sa ganitong pagkakataon, ang maaari na lamang ma-avail na benepisyo ay ang mga hindi nagamit na bahagi ng benepisyo. Magkakaroon lamang ng bagong hanay ng benepisyo pagkatapos ng 90 araw.

Ipinaalala rin po namin na kailangang accredited ang ospital at doktor na inyong pupuntahan upang maka-avail ng benepisyo.

Para sa iba pang katanungan, maaari po silang makipag-ugnayan sa PhilHealth Action Center sa telepono bilang 441-4772 o mag-email sa [email protected].

Sumasainyo,
(Sgd) Dr. ISRAEL FRANCIS A. PARGAS
Senior Manager
Corporate
Communication Dept.
Hangad ng Aksyon Line na buong puso namin kayong mapag-
lingkuran sa abot ng
aming makakaya.
Kaya naman huwag kayong mag-atubiling sumulat sa Aksyon Line c/o Inquirer Bandera, MRP bldg., Mola St. cor. Pasong Tirad st., Makati City. Maaari rin kayong mag-email sa [email protected] or [email protected]. Serbisyo publiko sa AKSYON LINE. Kakampi mo! Maaasahan!

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending