Showbiz couple delikado ang relasyon, aktres ubod ng selosa | Bandera

Showbiz couple delikado ang relasyon, aktres ubod ng selosa

Cristy Fermin |January 11,2018
facebook
share this

Showbiz couple delikado ang relasyon, aktres ubod ng selosa

Cristy Fermin - January 11, 2018 - 12:15 AM


MALAKAS ang ikot ng balita na mukhang nagkakaproblema ngayon ang isang magkarelasyong personalidad.

Panay-panay ang pagkukuwento ng female personality na natagpuan na niya ang lalaking mamahalin niya habambuhay pero mukhang mapapahiya siya.

Isinugal pa naman ng girl ang magandang takbo ng kanyang career nu’n, marami siyang pinalampas na pagkakataon, dahil ayon na rin sa kanya ay paminsan-minsan lang dumarating ang isang klase ng pag-ibig na puwedeng ipagpalit sa kahit ano.

Kuwento ng aming source, “Di ba, very proud ang girl sa karelasyon niya? Kesyo nakita na raw niya ang lalaking mamahalin niya at magmamahal sa kanya habambuhay.

“Pagkatapos kasi ng mahabang biyahe niya sa pakikipagrelasyon, e, may isang lalaking nangako sa kanya ng langit at lupa, kaligayahan lang daw ang handang ibigay sa kanya at hindi siya paiiyakin.

“Ayun, panay ang press release ng girl na napakaganda kuno ng kanilang pagsasama, maligayang-maligaya raw sila sa piling ng naging produkto ng kanilang pagmamahalan,” intro ng aming impormante.

Kung matatandaan, ang huling nakarelasyon ng female personality ay isang singer-actor-dancer na nagmahal sa kanya nang todo, halos kalimutan na ng male personality ang pamilya nito, nagsama na sila ng babae.

Sabi uli ng source, “Sobrang possessive kasi ang girl, napakaselosa, dahil pati ang family ng boyfriend niya, e, pinagseselosan pa niya. Ni hindi nakauuwi sa house nila ang lalaki, dahil ang gusto ng babae, e, sila lang ang palaging magkasama.

“Naku, tuwang-tuwa ang pamilya ng lalaki nu’ng magkahiwalay sila, lalo na ang mommy ng guy, dahil nabuo na uli ang family nila. Ganu’n katinding manghawak sa leeg ang girl, kaya wala siyang nagtatagal na karelasyon,” sabi pa ng aming impormante.

Ganu’n din siguro ang nangyari sa kanila ng ama ng kanyang anak, hinawakan din siguro niya ito sa leeg, kaya mukhang sa hiwalayan din mauuwi ang matagal-tagal na rin nilang relasyon.

Huling hirit pa ng aming source, “Pareho na lang sila ngayon ng sister niya na problemado sa pakikipagrelasyon. Tinatalian kasi nila sa leeg ang karelasyon nila, kaya ayan, kumakawala sa kanila ang lalaki, di ba?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Sige nga, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, unahan na kayo sa panghuhula kung sinu-sino ang bumibida sa ating kuwento.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending