Claudine na-bad trip sa balita: ‘Fake news yan!’
“FAKE news!” Iyan naman ang sigaw ni Claudine Barretto matapos makarating sa kanya ang balita na siya raw ang source ng pekeng balita na nakabuntis daw si Mark Anthony Fernandez ng dalawang pulis habang nakakulong sa Angeles City.
Nag-viral sa social media last week ang tungkol dito kung saan may interview pa raw si Claudine sa ABS-CBN showbiz correspondent na si Mario Dumaual.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Claudine ng mensahe at mariing itinanggi ang balita.
“Ayoko na sanang patulan tong malisyosong tsismis na ito, pero nainterview daw ako ni TITO MARIO DUMAUAL. FAKE NEWS PO ITO!! NEVER SPOKE TO TITO MARIO FOR YEARS. #notofakenews!”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.