DEAR Atty.:
Good morning, attorney. Ako pala si Tommy ng GenSan, ask ko lang po, kinasal kami ng asawa ko noong 2004 tapos wala mga parents ko sa kasal namin. Mula March 2007 hanggang ngayon 2013 ay wala na kaming komunikasyon. Ang tanong ko, wala bang bisa ang kasal namin? Tapos ngayon may asawa na akong iba, pwede ba kaming magpakasal? Araw-araw po akong nagbabasa ng Bandera. — Tommy, GenSan, …3682
Dear Tommy:
Ang marriage po ninyo ay hindi napawalang bisa dahil lang po kayo ay nagkahiwalay ng 7 years. Ang Judge ng Regional Trial Court lang po ang katangi-tanging pwede mag-pawalang bisa ng kasal. Kung kayo po ay papasok sa second marriage, na hindi napapawalang bisa ang nauna ninyong kasal, ito po ay bigamy. Ang bigamy ay isang krimen na may parusang kulong.
Kayo po ay hinihikayat ng magsampa ng Petition for Annulment of Marriage sa Regional Trial Court sa General Santos, at ikwento po sa Judge ang inyong karanasan upang mapawalang bisa ang inyong kasal. — Atty.
Dear Atty:
I’m Sherwin, 30years old from Lucena City. May habol ba ang tatay ko sa lupa ng nanay niya na isinanla ng kanyang tatay. Ang usapan, sanla pero sabi may pirmahang naganap na pinapirma yung tatay niya sa blangkong papel na katunayan na bilihan na raw yun. Nangyari po ito noong 1961 at 52 years na ang nakakaraang at hanggang ngayon dun sa lupang yun sila nakatira. One hectare yun. Ty. Sherwin, ….8736
Dear Sherwin:
Ang pagpirma sa blangkong papel ay hindi po epektibong paraan upang pumasok sa kahit anong kontrata. Void po ito, walang bisa.
Magsampa kayo ng Petition to Declare Void of Deed of Sale sa Regional Trial Court ng Lucena City. Kahit po 1961 po ito nangyari, pwede kayo maghabol sa mga kausap ng inyong tatay, sapagkat, walang “prescription” ang void contract. Hindi po nabubulok ang defense laban sa void contract. – Atty.
Dear Atty.:
Ako po ulit si Alfie Torbela, 31, Navotas. Good afternoong, attorney. Ako po yung guard ng condo na sinabi nyo po na pwedeng dumalaw sag GF ko dahil nagpalipat na po ako.
Atty., ask ko lang po kung sakaling pagbawalan po ako ulit ng agency na pumasyal sa GF ko sa unit niya sa condo, pwede ko po ba silang ireklamo sa batas at sampahan ng kaso dahil tinatanggalan nila kami ng karapatan ng GF ko na magkita sa kanyang unit? — Alfie Torbela, …3364
Dear Alfie:
Salamat sa pagsubaybay mo sa Ibandera ang Batas. Talagang sinusubaybayan mo ang ating kolum dahil talagang may followup question ka pa. Salamat ulit.
Ang girlfriend po ninyo ang pwedeng mag-reklamo sapagkat siya po ang may-ari ng unit. Tandaan, hindi po pwedeng pagbawalan ng kahit sino ang mga bisita ng may-ari sa unit na pumanik po sa unit niya.
Sana ay nalinawan kayo. — Atty.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.