John Lloyd, Ellen ginagawa raw bobo ang publiko; ayaw pang magpakatotoo
HINDI ko maunawaan kung bakit tila negatibo ang naging reaksyon nina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa napabalitang pagpapakasal umano nila this February sa Cebu City. Nagmula ang balita kay Manay Lolit Solis, ayon na rin sa kanyang sources.
Sa katunayan, feel na feel namin ang happiness ni Manay Lolit sa balitang pagpapakasal ng magdyowa.
But with the reaction given by John Lloyd and Ellen through their social media accounts, malinaw na hindi totoong may magaganap na wedding next month, ang tungkol sa florist at ang tungkol sa catering service. In fact, ito rin ang nilinaw ng BFF ni Ellen na si Beauty Gonzales na nagsabing walang kasalang magaganap sa darating na love month.
q q q
May “anghang” ang mga post nina Ellen at Lloydie (lalo pa’t nang-iinis ang paggamit nila ng ‘take it, take it’ label), at halata namang iritado si Beauty base sa reaksyon nito nang tanungin nga kung may kasalan bang mangyayari this February sa isang presscon para sa pagtatapos ng kanilang serye.
Kumpara sa reaksyon ng co-star niyang si Joem Bascon, medyo kalmado naman ang aktor na isa rin sa malalapit na kaibigan ni John Lloyd.
Granting na feeling pinangunahan ni Manay Lolit ang magdyowa, the least they can do is tell their stories in a manner na hindi nagmumukhang tanga at biba ang mga nakasubaybay sa kanilang love story.
But what can we expect? Since day one and despite their activities in social media, we haven’t really gotten a concrete answer tungkol sa kanilang kontrobersyal na relasyon.
Kahit nga ang balitang buntis na si Ellen ay hindi pa rin nila kinukumpirma o dinedenay, ang kasalan pa kaya?
Kahit paulit-ulit nating ipamukha sa kanila ang pagiging public figures nila at part dapat ng kanilang social responsibilities ang magkapatoo, nasa kanila pa rin yan kung magsasabi sila ng totoo.
Personally, ako’y nalulungkot dahil kahit paano ay nakilala ko rin naman si Lloydie bilang isang totoong tao. Sa aming panulat sa mga dyaryo at mga programa sa teleradyo at iba pang medium, I have but praises and respect to Lloydie’s personality and his being a dutiful son. And of course on his being an-A-1 artist.
Pero gaya ng timeless na kasabihan tungkol sa pag-ibig, wala itong nakikitang mali at malabo dahil sa kakaibang kulay na dala nito sa isang tao. Kung ang bundok nga ay napapagalaw nito, maging giyera man o mga gulo sa pamilya o relihiyon, sa mga taga-showbiz pa kaya na parang damit lang kung ituring ito?
Just saying.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.