Deboto nagka-spine injury, 1 pa nahulog mula sa Andas | Bandera

Deboto nagka-spine injury, 1 pa nahulog mula sa Andas

- January 09, 2018 - 04:40 PM

NAGKA-spine at neck injury ang isang deboto ng Itim Na Nazareno, samantalang nahulog naman ang isa pa mula sa Andas, ayon sa Philippine Red Cross (PRC).
Hindi naman pinangalanan ang mga biktima, na kapwa dinala sa ospital.
Pitong oras matapos ang Traslacion ng Itim Na Nazareno mula sa Quirino Grandstand kaninang umaga, sinabi ng PRC na umabot na sa 652 deboto ang nilapatan nila ng lunas, kagaya ng sugat, galos, hindi makahinga at hypertension.
Idinagdag ni PRC na nagpakalat na ng 2,000 volunteer, 58 ambulansiya, siyam na first aid station, at waloong rescue truck sa palibot ng daraanan ng prusisyon.
Nagsimula ang Traslacion ganap na alas-5:07 ng umaga sa Quirino Grandstand.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending