Nahihiya dahil sa dami ng peklat | Bandera

Nahihiya dahil sa dami ng peklat

Dr. Hildegardes Dineros - June 21, 2013 - 07:00 AM

ANO ba ang vitamins na pweded i-take sa kanya kasi parang mahina ang ang pangangatawan at saka maliliit ang mga grades niya sa iskul. Salamat. Doris Beray, 36, San Francisco, Agusan Del Sur, …1409

Hindi vitamins lang ang kailangan niya, sana kung mapapatingin siya sa pediatrician mas mainam para malaman ang “nutritional status” at buong kalusugan, at wala siyang mga impeksyon at bulate sa katawan. Pwede mo siyang bigyan ng Propan with iron at clusivol.
Gud am, doc. 40 years old po ako, ano po bang dahilan nang nagkakaimpeksyun ang sweatglands ko? May Betadine soap ba doc? Now ko lang narinig ito, available ba ito sa lahat ng drugstore? — …8553

Good hygiene o kalinisan ang madalas na problema sa impeksyon. Mayroong ibang mga anti-bacterial soaps ma-liban sa Betadine cleanser na aivalable sa mga drug store.
Go0d day po, doc. May gamot po ba na mura para sa mga peklat na madami pero di naman malaki. Parang tulad po ng bulutong na nag-iiwan ng marka. Hindi pa ako nagkabulutong pero sobra dami ng peklata ko, nakuha ko po eto sa kagat ng lamok at langgam nung bata pa ako. Ngayun 19 na po ako lahat po ng katawan ko puro peklat. Mawawala pa po ba ito? Maliban sa surgery, wala na po bang ibang solusyon dito? Wala po kasi akong pambayad. Ayaw ko po na pinagtatawanan at pinandidirhan ako ng mga tao sa paligid ko dahil ganito ang balat ko na mapeklat. — Heidi Liza, 19, San Fernando, Pampanga, …5895

Ang peklat sa balat ay maaring ma-improve pero hindi mawawala. Kailangan itong masuri para malaman kung ano ang nararapat na paraan. Ang maaring mawala ay ang peklat sa kaisipan. Hindi kinakailangang ikahiya ito kasi mga palatandaan ito ng iyong mga pinag-daanan na magpapatibay ng iyong pagkatao.
Magandang araw doc, marami po akong peklat sa paa.kaya nais ko pong itanong sainyo kung ano po ba ang gamot na maaaring makaalis sa peklat ng paa ko.? Salamat po! — Marianne,Cagayan, ….8199

Posibleng ma-improve ang itsura ng peklat sa pamamagitan ng surgery, injections, ointments na ipinapahid.
Good am.Doc.Heal, ask lang ako if ang myoma ay tumor as
matris. Maari bang malunasan ito? Ito ba ay nakakamatay? Ano po ba ang dahilan ng myoma? Paano nakukuha ang sakit na ito? — …0277
Opo, tumor sa matris, nguni’t hindi kanser, may lunas at hindi ikinamamatay yan. Tumutubo na lang ng kusa ang mga tumor, “mutation” ang dahilan.
Hi Dr. Heal. I’m, 31 and diabetic with insulin, since. Una pong nadamage yung hearing ko. What med should I take? Pwede ba itong bumalik sa dati? It’s depressing. — Lei, Digos City, …5096

Type 1 diabetes? kailangan kontrolado talaga sugar mo with diet, insulin and exercise.
Patingnan mo muna sa ENT specialist at sana ma-monitor ng audiologist ang hearing loss mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending