Mga Laro Bukas
(Filoil Flying V Centre)
8 a.m. LPU vs UPHSD (juniors)
9:30 a.m. LPU vs UPHSD (men’s)
11 a.m. LPU vs UPHSD (women’s)
12:30 p.m. EAC vs Arellano (men’s)
2 p.m. EAC vs Arellano (women’s)
3:30 p.m. EAC vs Arellano (juniors)
SINIMULAN ng defending champion College of St. Benilde ang kampanya na hindi kasama ang dating team captain nito na si Johnvic de Guzman sa pagpapataob sa Letran College, 25-12, 25-21, 25-18, sa men’s division ng NCAA Season 93 volleyball tournament Biyernes sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.
Nagtulong sina Isaah Oneal Arda at Mark Jethro Orian para punan ang puwestong iniwan ng nagtapos na si de Guzman sa pagtala ng 17 at 13 puntos upang tulungan ang Blazers na mainit na simulan ang pagnanais nitong mapanatili ang korona.
“My two senior players, Arda and Orian, have taken over the leadership role from Johnvic (de Guzman) and they’re leading by example,” sabi ni CSB coach Arnold Laniog.
Nakisalo naman sa liderato ng women’s division ang CSB Lady Blazers kahit nagtala ng mga error bago nagawang itakas ang tatlong set na panalo kontra Letran, 25-22, 25-11, 25-20.
Nakasalo nito sa tig-iisang panalo ang nagwagi sa unang araw na nagtatanggol na kampeong Arellano University at naging runner-up nitong nakaraang taon na San Sebastian College.
Nagtipon si Ranya Musa at Rachele Ann Austero ng kabuuang 14 hits bawat isa para tulungan ang naging 2015 champion Lady Blazers na tabunan ang kanilang 30 error.
“We were just sloppy and giving up easy points. Good thing we made some adjustments,” sabi ni Arnold Laniog, na siyang pumalit bilang coach ng women’s squad matapos na lumipat si Macky Carino sa University Perpetual Help.
Sa iba pang laro, umahon ang San Beda College sa isang set na pagkatalo at paghahabol sa 2-5 iskor sa ikalimang set upang maungusan ang Jose Rizal University, 23-25, 25-19, 13-25, 25-19, 15-9, upang sumalo rin sa liderato ng women’s division.
Kinolekta ni Marie Nieza Viray ang kabuuang 19-puntos habang ang Premier Volleyball League veteran na si Cesca Racraquin ay nagtipon ng 13 puntos para sa Red Spikers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.